ISANG BAGAYHalimbawa
Binabalangkas para sa atin ng Mga Awit 27:4 ang mga kahilingan ni Haring David sa Panginoon. Isa sa mga benepisyong kanyang hinahabol ay ang MAPAGMASDAN ang kagandahan ng Panginoon.
Minsan akong nagpunta sa Pambansang Museo ng Australia kasama ng aking pamilya. Marami kaming nakitang mga eksibit at presentasyon, ipinintang larawan at likhang sining, ngunit isa lang talaga ang gusto kong makita. Ito ay Mga Liryo sa Tubig ni Claude Monet. Nagawa kong bigyan ang aking sarili ng panahong maupo sa harap ng ipinintang larawang iyon, mag-isa, nang mga 10-15 minuto. At masdan lang ito. Tunay itong isang napakagandang likhang sining.
Ngunit gaano pang mas maganda ang Panginoon!
Alam natin ito ngunit kadalasan ay pinahihintulutan natin ang mga bagay-bagay na palabuin ang ating paningin at harangan ang ating pananaw. Minsan din tayong nakakakita lamang sa natural sa halip na makakita gamit ang mata ng pananampalataya. Sina Abraham at Lot ay nagkaroon ng katulad na karanasan.
Nakita ni Lot sa kanyang natural na mata ang isang bagay na mukhang mainam, at pinili niya ang bahaging iyon ng kapatagan. Ngunit nakita ni Abraham ang higit pa. Nakita niya nang may pananampalataya ang hindi niya makita sa natural.
Nagsisimula nang humina ang aking mga natural na mata. Habang tumatanda ako, lumalala ang paningin ko. Ngunit para makakita ako nang malinaw, kailangan kong lagyan ng lente ang aking mata. May mga lente para sa mga maikli ang paningin at mga lente para sa mga malayo ang paningin. Ganoon din ang sa ating espirituwal na paningin.
Dapat nating lapatan ng tamang lente upang magkaroon ng malinaw na paningin.
5 LENTE na kailangan nating ilapat sa ating paningin:
KATOTOHANAN - Ang Lente ng Banal na Kasulatan
Mas nagbabasa tayo, mas marami tayong makikita. Ang banal Mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa Iyo kailanman.
PRESENSYA - Ang Lente ng Pagsamba
Mas nagpupuri tayo, mas nabubuksan ang ating mga mata sa Kanyang kaluwalhatian. Nilikha tayo para sambahin ang Diyos. Ang ating buhay ay dumadaloy mula roon.
PANALANGIN - Ang Lente ng Relasyon
Kapag malapit ka sa isang tao, iba ang pananaw mo kaysa sa isang taong nakarinig lang ng tungkol sa kanila. Ang mga relasyon, lalo na sa ating makalangit na Ama, ay nabubuo sa pamamagitan ng paggawa sa Kanya na isang prayoridad.
PRAYORIDAD - Ang Lente ng Oras
Ang paraang iginugugol mo ng iyong oras ay sumasalamin sa iyong mga prayoridad. Gusto mo bang huminto at MAGMASID sa kagandahan ni Jesus?
PANANAMPALATAYA - Ang Lente ng Pagtitiwala
Ang lahat ng mga ito ay nagmumula sa kung paano mo tinitingnan ang Diyos. Lubos ba tayong nagtitiwala sa Kanya?
Ang 5 lenteng ito ang tumutulong sa ating makita at MAMASDAN ang kagandahan ng Panginoon. Malayo sa mga pagkaabala. Ang magawa nating ang ISANG BAGAY ang pinakamahalagang bagay.
Sinabi ni Charles Spurgeon ang, 'Gusto ko, kung minsan, ang huwag nang manalangin, at umupo nang tahimik, at magmasid paitaas hanggang sa makita ng aking kaloob-looban ang aking Panginoon.'
Tungkol sa Gabay na ito
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
More