ISANG BAGAYHalimbawa
Ang Awit 27:4 ay may talaan ng ilang kamangha-manghang susi sa buhay upang matulungan tayong maghinay-hinay sa mundong labis-bilis.
Ang una ay ang HUMILING.
PAANO natin hihilingin?
KANINO natin HIHILINGIN?
ANO ang HIHILINGIN natin?
Naniniwala ako na naririnig ng Diyos ang ating mga panalangin, lahat ng mga ito. Hindi lang nga Niya palaging sinasagot ang mga ito sa paraang gusto natin. At minsan nagdadasal tayo para sa mga maling bagay. Nagdarasal tayo ng mga maramot, makasariling panalangin na para lang sa ating kapakinabangan at walang eternal na layunin.
Sabi ni NT Wright: 'Ngunit, para sa karamihan sa atin, ang problema ay hindi dahil labis tayong sabik humingi ng mga maling bagay. Ang problema ay dahil hindi tayo labis na sabik na humingi ng mga tamang bagay.'
Mariing itinuturo sa atin ng Biblia ang HUMILING.
Ang Aklat ni Ester ay nagsasalaysay ng isang mapangahas na kahilingan. Isang kabataang reyna ang pumasok sa silid ng trono ng hari nang walang pahintulot. Ngunit pumasok nga siya. At ang hari ay hindi lamang nagpapakita ng kagandahang-loob, kundi ipinagkaloob din ang kanyang kahilingan.
Kailangan nating matutunan kung paano lumapit sa Diyos sa panalangin. Buong tapang, mapagpakumbaba, nauunawaang ito ay Kanyang bahay, hindi sa atin, at may mga tuntunin. Heto ang isang maikling gabay sa paglapit sa Diyos sa panalangin:
LUMAPIT - Pumasok sa Kanyang presensya
MANGUMPISAL - Linisin ang iyong puso, at humingi ng tawad
MAGPATAWAD - Sa iba
MAGPURI - Gumugol ng oras sa pagluwalhati at pagdakila sa Kanyang pangalan (pagpupuri, pagsamba, pasasalamat)
HUMILING - Layunin ng Kaharian ('Nawa'y maghari Ka sa amin')
HUMILING - Personal na Paglago ('dalisayin akong tulad ng ginto')
MAMANHIK - Mga petisyon, pangangailangan, pamilya, mga pinuno, pastor, komunidad, at mga espesipikong kahilingan
MAGBULAY-BULAY - Sa Salita
MAGPASALAMAT - Purihin ang Diyos sa lahat ng Kanyang nagawa at gagawin
Ito ay isang mahusay na paraan ng paglapit sa Diyos, dahil inilalagay Siya nito bilang mas mataas na prayoridad kaysa ating kahilingan.
Narito ang ilang bagay na iminumungkahing hilingin natin sa Diyos:
- Ang mga Bansa
- Karunungan
- Pagpapagaling
- Pagpapatawad
- Paglaya
- Kalayaan mula sa pagkabalisa
- Matupad ang kalooban ng Diyos
Sinabi ni Edward Marbury, 'Ang isang tao ay hindi magkakaroon ng pananampalataya nang hindi humihingi, at hindi niya ito mahihiling nang walang pananampalataya.'
Ang mga panalanging hindi ipinapanalangin ay hindi masasagot.
Ano ang hinihiling natin sa Panginoon? Dahil DAPAT tayong humiling.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
More