Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISANG BAGAYHalimbawa

ONE THING

ARAW 4 NG 7

Habang patuloy nating pinagsusumikapan ang ISANG BAGAY, tinitingnan natin ang mga bagay na nakakatulong sa ating manatili sa iisang pokus.

Ang susunod na sangkap na makikita natin sa Mga Awit 27:4 ay ang salitang TUMIRA.

Na tayo ay mananahan sa bahay ng Panginoon habang buhay.

Ang manatili sa Kanyang presensya ay isang mahalagang instrumento, ngunit madalas ba tayong nagbibigay ng oras para manatili lamang sa Kanya?

Ang salitang tumira ay may ilang natatanging kahulugan. Ang una ay ang literal na umupo. Nangangahulugan ito na itigil ang iyong ginagawa, lahat ng aktibidad, at umupo upang manahimik sa iyong sarili.

Taglay rin nito ang kahulugang hindi lamang panandaliang tumigil at huminto, kundi ang manatili. Gustung-gusto ko ang kuwento ni Josue sa Exodo 33:11, nang ang Panginoon ay nakikipag-usap kay Moises sa tolda, at kahit na umalis si Moises upang bumalik sa kampo, si Joshua ay hindi umalis sa tolda. Nanatili siya.

Nangangahulugan din ang tumira ng maghintay, magpahinga, at pati na ang mamahay, na gawing iyong tahanan ang isang lugar. Sinasabi sa Mga Awit 27:4 ang tumira sa Templo niya...'

Ang hangarin ni Haring David ay gawing tahanan niya ang bahay ng Panginoon.

Ano ang ating hangarin? Ito ba ay ang manatili kay Cristo?

Bilang mga mananampalataya, kailangan pa rin nating mamili hinggil sa prayoridad ng ating mga buhay. Ngunit nananatili ang katotohanan: mas ginagawa natin ang Diyos, ang Kanyang Bahay, at ang Kanyang Salita na prayoridad, mas kakaunti ang pagkakataon na lumaganap ang kasamaan at kasalanan.

Sinabi ni Charles Spurgeon, 'Wala tayong alam na lunas para sa pagmamahal sa kasamaan sa isang Cristiano na tulad ng masaganang pakikipag-ugnayan sa Panginoong Jesus. Manahan palagi sa Kanya, at imposibleng mapalagay ka sa kasalanan.'

‌ Simulan ngayong gawing prayoridad ang iyong oras sa Kanya upang magawang tumira ka sa Kanyang presensya.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

ONE THING

Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.

More

Nais naming pasalamatan ang Harvest Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvestchurch.org.au/onething