ISANG BAGAYHalimbawa
Ngayon, magtutuon tayo sa ibig sabihin ng HUMINGI NG PATNUBAY sa Kanyang templo. Sa salin ng MSG ito ay ang "pag-aaral sa Kanyang paanan". Ito ay isang magandang paglalarawan ng ginagawa ng isang taong may iisang pinagtutuunan, o naghahabol sa ISANG BAGAY.
Dapat tayong mag-aral.
Madalas kong sinasabi sa aming kongregasyon na hindi marapat na tanggapin ang isang bagay dahil lang narinig mo ito sa isang sermon. Kailangan mong tuklasin ang salita ng Diyos para sa iyong sarili. Kailangan nating maging mga taong handang matuto.
May 5 pangunahing paraang natututo ang mga tao:
Visual (panonood)
Pandinig (pakikinig)
Nakasulat (pagkuha ng mga tala, pagsusulat ng mga gawain)
Kinestetiko (praktikal na aplikasyon)
Multimodal (sa madaling salita, kumbinasyon ng lahat ng nasa itaas)
At naniniwala ako na ang pinakamahusay na paraan para tayo ay matuto o lumago sa ating pananampalataya ay sa pamamagitan ng multimodal na pag-aaral. Walang iisang bagay ang tutulong na mapabuti ang kalidad ng iyong pananampalataya, kundi isang kumbinasyon ng mga sumusunod:
Pakikipag-ugnayan sa banal na kasulatan (visual)
Pakikinig sa pangangaral (pandinig)
Pagsamba at Panalangin (nakasulat / binibigkas)
Pananampalatayang may lakip na gawa (kinestetiko)
Ang isang mahusay na mananampalataya ay mamumuhay ng isang buhay na may balanse ng lahat ng mga ito. At mas tayo nag-aaral, mas tayo makakaunawa. Akala lang natin na kung babasahin lang natin ang banal na kasulatan, makukuha na natin ang lahat ng ating kailangan. Ngunit kadalasan, posible tayong humantong sa isang mababaw na pananampalataya kung hindi natin naiintindihan ang ating binabasa.
Sinabi ni Richard Baxter, 'Hindi trabaho ng Espiritu na sabihin sa iyo ang kahulugan ng Banal na Kasulatan at bigyan ka ng kaalaman ng kabanalan, nang wala ang iyong sariling pag-aaral at paggawa, ngunit pagpalain ang pag-aaral na iyon, at bigyan ka ng kaalaman sa pamamagitan nito… Ang tumangging mag-aaral sa pagdadahilang sapat na ang Espiritu, ay pagtanggi sa mismong Kasulatan.'
Kailangan nating tanungin ang ating sarili ng 3 pangunahing tanong:
- Ano ang natututunan natin?
- Saan tayo natututo?
- Sino ang nagtuturo sa atin?
Maraming sanggunian para sa mga mananampalataya upang palawakin at palaguin ang kanilang pananampalataya, mula sa online na paaralan ng biblia hanggang sa mga maiikling kurso, mula sa mga komentaryo hanggang sa mga serye ng pagtuturo.
Sa pagtatapos ng araw, ito ay nakadepende sa atin. Gusto ba talaga nating lumago? Kung gusto natin, tatrabahuin natin ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
More