ISANG BAGAYHalimbawa
Hindi ko alam sa iyo, ngunit ako ay madaling malingat. Ang daming nangyayari. Nagawa mo na bang kunin ang iyong telepono upang basahin ang iyong gabay sa Biblia, ngunit sa halip ay nakita mo ang isang notipikasyong may isang taong hindi mo kilala ang nagkomento sa iyong post sa Instagram, at pagkatapos ay bigla na lang inubos mo na pala ang huling 47 minuto sa pagtingin sa mga meme? At nakalimutan mo na ang iyong gabay sa Biblia? Ako oo!
Tayong mga tao ay mas abala ngayon kaysa kailanman noon. Ang mga istatistika ay nagpapatunay na sa nakalipas na 20 taon, ang karaniwang haba ng atensyon ay nabawasan nang 50%. Iyan ay kagulat-gulat.
Sinabi ito ni AW Tozer sa kanyang aklat na, The Set of the Sail:
'Sa mga kaaway sa debosyon ay wala nang mas nakakapinsala kaysa mga abala. Anuman ang pumukaw sa ating pagiging pagkamausisa, nagkakalat ng ating isip, bumabahala sa puso, kumukuha ng ating interes o naglilihis ng ating pokus sa buhay mula sa kaharian ng Diyos sa loob natin tungo sa mundong nakapaligid sa atin—iyon ay isang panggambala; at ang mundo ay puno ng mga ito. Ang ating sibilisasyong nakabatay sa agham ay nagbibigay sa atin ng maraming benepisyo ngunit pinararami nito ang ating mga panggambala at sa gayon ay nag-aalis ng labis na higit kaysa naibibigay nito...
'Ang lunas para sa mga panggambala ay pareho pa rin ngayon sa noong mga una at mas simpleng panahon, sa madaling salita, panalangin, pagbubulay-bulay at pagpapayaman ng panloob na buhay. Sinabi ng salmista ang “Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo,” at sinabi sa atin ni Cristo na pumasok sa ating silid, isara ang pinto at manalangin sa Ama. Umuubra pa rin ito...
'Dapat daigin ang mga panggambala dahil kung hindi ay dadaigin tayo ng mga ito. Kaya't pagyamanin natin ang pagiging simple; hangarin natin ang mas kaunting mga bagay; lumakad tayo sa Espiritu; punuin natin ang ating mga isipan ng Salita ng Diyos at ang ating mga puso ng papuri. Sa ganyang paraan makakapamuhay tayo nang payapa kahit sa ganitong naliligalig nating mundo. “Kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo.” '
Kung gayon, paano tayo mamumuhay?
Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4.
Kailangan nating tumuon muli sa ISANG BAGAY. Ang ISANG BAGAY na pinakamahalaga.
Nang magreklamo si Marta kay Jesus na hindi siya tinutulungan ni Maria, siya ay lubusang naguguluhan, natataranta, at nadidismaya. Ngunit binigyang-diin ni Jesus na pinili lang naman talaga ni Maria na tumutok sa ISANG BAGAY.
ANO ANG IYONG ISANG BAGAY?
Sa susunod na ilang araw, tutuklasin natin ang 5 pangunahing sangkap na tutulong sa ating muling tuklasin ang ISANG BAGAY.
Tungkol sa Gabay na ito
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
More