ISANG BAGAYHalimbawa
Habang nagpapatuloy tayo sa paghahanap sa ISANG BAGAY na pinakamahalaga, pupunta naman tayo sa susunod na sangkap mula sa Mga Awit 27:4 - MAGHANGAD.
Iisa lamang talaga ang aking hangarin.
Di-nagtagal pagkatapos turuan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo kung paano manalangin, pinukaw Niya ang kanilang interes gamit ang isang kuwento patungkol sa isang taong nangangailangan ng isang bagay mula sa kanyang kapitbahay at hindi tumigil sa kakakatok hangga't sa bigyan nito. Ang naghahanap ay nakakatagpo. Ang dahilan kung bakit siya nakalapit ay dahil sa pagpupumilit niya, o kapangahasan.
Lahat tayo ay may hinahangad, ngunit ano ba talaga ang hinahangad natin?
Madalas nating hinahangad ang sa ating sariling pakinabang, o mga ninanais. Ang ilan sa mga ito ay maaaring mabubuti at ang ilan ay maaaring mga makasarili, ngunit walang maihahambing sa paghahangad ng ISANG BAGAY.
Sinasabi sa Mga Awit 14:2 na ang Diyos ay nagmamasid sa atin upang tingnan kung mayroong handang hanapin Siya.
Ang pinakamahusay na paraang hangarin ang Diyos ay hanapin Siya sa Kanyang Salita. Kung naghahangad ka ng mga sagot, karunungan, patnubay, direksyon, o pananampalataya - lahat ito ay matatagpuan sa Biblia.
Habang binabasa natin ang mga salitang ito, nagiging higit pa ang mga ito sa mga salita sa isang pahina. Ang mga ito ay buhay at humihinga na mga salita ng isang Banal na Diyos na tumatawag sa ating sundin Siya. Ang pinakamahusay na paraang maging mas matalik sa Diyos ay ang paggugol ng oras sa Kanya. Sa tuwing bubuksan natin ang aklat, naglalaan tayo ng oras na makasama ang may-akda.
Pagdating sa pagbabasa ng Salita, heto ang ilang mungkahing maaaring makatulong sa iyo:
- Manalangin muna - hilingin sa Diyos na maihayag ang Kanyang sarili sa iyo sa mga salitang iyong nabasa
- Maging regular - magbasa at mag-aral sa parehong oras araw-araw
- Magkusang-loob - humanap ng mga karagdagang sandali upang buksan ang Salita
- Gumugol ng kaunti pang oras - kung mas marami kang oras na kasama ang Diyos sa Kanyang Salita, mas magugustuhan mong gawin ito
- Gumamit ng talaarawan - isulat ang mga pangunahing kaisipan at mga panalangin mula sa iyong nababasa noong araw na iyon
- Magnilay - magbabad maghapon sa Salita na iyong nabasa
- Gumamit ng iba't ibang sanggunian at pamamaraan sa pag-aaral ng Biblia - makakatulong ang mga ito na mabuksan ang katotohanan ng Salita ng Diyos
Kung tunay na nais mo Siyang hangarin, Siya ay iyong matatagpuan (Jeremias 29:13).
‘Huwag hangarin ang karanasan, ngunit hangarin Siya, hangarin na makilala Siya, hangarin na matamasa ang Kanyang presensya, hangarin na mahalin Siya. Sikaping mamatay sa iyong sarili at sa lahat ng iba pa, nang magawa mong mabuhay nang lubusang sa Kanya at para sa Kanya at ibigay ang iyong buong sarili sa Kanya. Kung Siya ang nasa sentro, ligtas ka.' - David Martyn Lloyd-Jones
Tungkol sa Gabay na ito
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
More