Tagumpay Sa Kabila Ng KahinaanHalimbawa
Ang Bunga ng Pagdurusa
Itinuturing mo ba ang sarili mong nakakaangat? Ang kasagutan mo sa tanong na ito ay maaaring nakasalalay sa kung paano mo itinuturing ang pagkakaroon ng kapakinabangan at ang kawalan nito. Maaaring sa ngayon ay nakakaranas ka ng pakikipaghamok at mga paghihirap. Maaaring kasama rito ang pagkakaroon ng sakit, karamdaman, kapansanan, o suliranin sa pananalapi. Sa kabila ng iyong mga suliranin, binibigyan ka ng Diyos ng dahilan upang magalak at ituring mo ang sarili mong pinagpala ngayon—ito ay ang kahanga-hangang bunga ng pagdurusa.
Kapag tinanong mo ang mga tao kung ano ang isang bagay na pinakaaasam nila, malamang na ang karaniwang sagot nila ay kaligayahan. Ang karaniwang maririnig mo sa mga tao sa buong mundo ay,“Ang tanging nais ko ay ang maging masaya.”Tila isang payak na kahilingan. Kaya ano nga ba ang mga kinakailangan para ikaw ay maging masaya?
Maaaring natagpuan mo ang sarili mong nagsasabi ng “Kung itolamang ay mangyayari, magiging masaya ako. ”O kaya naman“Kung gagawin lamang ito ng Diyos, makukuntento na ako.” Ang ganitong uri ng pag-iisip ay may problema at maaaring mapanganib pa nga. Kung ang kaligayahan ay nakasalalay sa mahabang buhay, ang isang taong may taning na ay mabubuhay na wala nang pag-asa. Kung ang kagalakan ay matatagpuan lamang sa kagalingan, ang isang batang may matinding kapansanan sa kanyang katawan ay walang malalaman kundi kasiphayuan. Gayunman, naiiba ang pagturing ng Diyos sa mga suliraning ito kumpara sa tao.
Sa taludtod na ito, tinutulungan tayo ni Pablong makita ang pananaw ng Diyos tungkol sa kaligayahan. Kapag ikaw ay na kay Cristo, ikaw ay angat. Hindi lamang may kapayapaan sa pamamagitan ng Diyos ang mga mananampalataya, kundi nagkakaroon din sila ng bagong pananaw sa bawat aspeto ng buhay. Ang iyong hinaharap ay matatag, at maaari kang umasang makibahagi sa kaluwalhatian ng Diyos!
Hindi iniiwasan ni Pablo ang sakit at pagdurusa. Sa katunayan, gumawa siya ng kapahayagang tila kakatwa: Maaari kang magalak kapag nararanasan mo ang mga suliranin at pagsubok. Ito ay posible dahil sa bunga ng mga kahirapan. Ano ang kahanga-hangang bungang ito ng pagdurusa? Ito ay ang katatagan ng pagkatao, na nagbibigay pag-asa sa kaligtasan, na natatamo dahil sa pagtitiis sa paghihirap.
Sa susunod na magkaroon ka ng pagsubok, alalahaning ang kapayapaang nasa sa iyo ngayon kasama ang Diyos. Tandaang may kabutihang bunga sa pagdaan mo sa pagdurusa na magdadala sa iyo sa iyong patutunguhan. Ang pagdurusang mararanasan mo ay siyang magiging sanhi upang bitawan mo ang mga panandaliang ginhawa na matatagpuan mo sa mundo at kumapit sa walang hanggang kagalakan na matatagpuan mo kay Jesus. Ang iyong hinaharap ay ligtas kay Cristo, at maaari kang magtiwala na kumkilos ang Diyos sa buhay mo ngayon. Malugod sa kasiya-siyang bungang ito, na siya nating pangkalangitang pag-asa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.
More