Tagumpay Sa Kabila Ng KahinaanHalimbawa
Ang Biyaya ng Diyos sa Ating Kahinaan
Ang ating kultura ay gumagamit ng iba't-ibang kasabihan upang pangatwiranan ang papel ng kahinaan at pasakit sa ating mga buhay.“Kung walang pasakit, walang makakamit”; “Ang pasakit ay ang kahinaang lumalabas sa katawan”; “Ang hindi nakakamatay sa iyo ay makakapagpalakas sa iyo.” Marami sa makabagong salawikain ay ginagamit upang pagtuunan ng pansin ang pangunahing gantimpala ng pagiging mas malakas. Pinahahalagahan ng kulturang kinabibilangan natin ang pansariling kalakasan, ang hindi pag-asa sa iba, at ang pagtatagumpay. Ngunit itinaguyod ni Pablo ang salungat na pananaw dito sa pamamagitan ng pagmamalaki sa kanyang kahinaan. Maaari kayang ang itinuturing mong pinakamalaking nagpapahirap sa iyo ay isang pagpapatunay ng biyaya ng Diyos sa buhay mo?
Si Pablo ay dalubhasa sa larangan ng pagdurusa. Sa 2 Mga Taga-Corinto 11, ibinahagi ni Pablo ang talaan ng kanyang mga pagsubok na nagbibigay ng isang banaag sa lawak ng hirap na kanyang dinanas. Limang beses siyang nakatanggap ng tatlumpu't siyam na paglalatigo; tatlong beses siyang pinalo ng baras; binato siya; naiwan siya sa gitna ng dagat at tatlong beses na nawasakan ng barko sa magkakaibang panahon; pinagtiisan niya ang mga gabing hindi siya natutulog, ang gutom, ang uhaw, ang kawalan ng kasuotan—ang lahat ng ito ay dahil pinili niyang sumunod kay Jesu-Cristo.
Napagtanto na ni Pablo ang halaga, ngunit pinili pa rin niya sumunod kay Jesus. Ngunit may isang natatanging sakit na lubhang gumambala sa kanya. Tatlong beses siyang nagmakaawa sa Diyos na tanggalin ito sa kanya. May kapangyarihan ang Diyos na gawin ito, ngunit may nasa isip Siyang higit pa rito.
Mag-isip ka ng isang bagay na nagdadala ng pinamatinding sakit at kasiphayuan sa buhay mo. Kung handa ang Diyos na tanggalin ito at alisin ang iyong pagdurusa, hihingin mo ba ito sa Kanya? Batid ni Pablo na may kakayahan ang Diyos na tanggalin ito; talagang nagmakaawa siya sa Diyos na gawin ito para sa Kanya. Ngunit humindi ang Diyos. Para sa kabutihan ni Pablo at para na rin sa atin, nagpaliwanag sa kanya ang Diyos:“Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” (2 Mga Taga-Corinto 12:9).
Ano kaya ang nagtulak kay Pablo upang ipagmalaki niya ang kanyang kahinaan? Nagtiwala siya sa kabutihan at karunungan ng mas malaking balak ng Diyos. Sa halip na magdala ng kapaitan sa buhay niya, pinili niyang ituon ang kanyang isip sa gawain ng Diyos sa gitna ng kanyang pagdurusa. Nang kinuha niya ang pananaw ng Diyos, itinuring niya ang mga problema bilang plataporma kung saan makikita niya ang kapangyarihan ng Diyos.
Ganito rin ang katiyakang iniaalok sa atin ng Diyos. Nagagapi ng masaganang biyaya Niya ang bigat ng ating kahinaan. Ito ang mas malaking dahilan sa likod ng iyong pagdurusa. Yakapin mo ang iyong kahinaan, sa kabatirang ang pinakamalaking paghihirap mo ay tunay ngang isang pagpapahayag ng biyaya ng Diyos sa buhay mo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.
More