Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tagumpay Sa Kabila Ng KahinaanHalimbawa

Victory Through Weakness

ARAW 2 NG 7

Natatanging Sisidlan

Hindi gusto ng Diyos na tulungan ang mga mapagmalaki sa kanilang pansariling tagumpay. Nalulugod ang Diyos na ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga taong itinuturing na mahina ng mundo. Maaaring ang tingin mo sa sarili mo ay may pagkukulang dahil sa ilang kahinaan o sa mga pangyayari, ngunit sinadya ng Diyos na likhain ka upang maging natatanging sisidlan para ipakita ang Kanyang kapangyarihan.

Ang Biblia ay mayaman sa mga halimbawa kung saan pinili ng Diyos na gawin ang mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng mga taong inaakala ng mundong hindi karapat-dapat. Binigyan tayo sa Lumang Tipan ng isang pagsasalarawan nito sa kasaysayan ni Gideon. Pinili ng Diyos si Gideon, isang lalaking hindi lamang galing sa pinakamahinang angkan kundi pinakahuli rin sa hanay ng tahanan ng kanyang ama, upang pamunuan ang hukbo ng Israel. Mahina rin ang kanyang pananampalataya, dahil pinagdudahan niya ang Kapangyarihan ng Diyos. Hiningi ni Gideon sa Diyos na gumawa ng dalawang mahimalang tanda gamit ang lana—napakaliit ng kanyang pananampalataya na kinailangang gumawa ang Diyos ng dalawang himala bago siya magtiwala at sumunod.

Nang pinili ng Diyos si Gideon, may tiyak na balak ang Diyos sa Kanyang isipan: gamitin ang pinakamahinang sisidlan upang ipakita ang Kanyang makapangyarihan. Binawasan ng Diyos sa Kanyang sariling pamamaraan ang napakalaking hukbong binalak ni Gideong pamunuan sa isang digmaan. Sa katapusan ng prosesong ito, pinauwi ng Diyos ang karamihan sa tatlumpu't dalawang libong mga kawal, at ang natira lamang sa kanya ay tatlong daang kawal. Hindi magawang magmalaki ng Israel nang sila ay manalo sa digmaan.

Mukhang kakaibang si Gideon ang pinili ng Diyos upang maging pinuno sa napakahalagang kaganapang ito ng kasaysayan gayong maaari naman Siyang pumili ng pinakamagaling sa Israel. Bakit hindi pinili ng Diyos ang madaling tagumpay sa pamamagitan ng tatlumpu't dalawang libong mga kawal? Sa pananaw ng tao, ang isang ordinaryong pinuno ay hindi gagawa ng hindi kinakailangang kapanganiban tulad nito. Ngunit batid ng Diyos na kung ang hukbo ay mas malaki at mas malakas, matutukso silang akalain na “sariling lakas nila ang nakatalo” (Mga Hukom 7:2).

Gusto ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay umasa sa Kanyang lakas. Kung ikaw ay may pinaglalabanang kapansanan o pagsusuri ng doktor, maaaring isipin mong ikaw ay talunan, ngunit hindi aksidenteng ginawa kang ganito ng Diyos. Hindi mo kailangang ikahiya ang pagkakagawa sa iyo ng Maylikha. Katulad sa nangyari kay Gideon, lubos na naluluwalhati ang Diyos sa kahinaan sapagkat natatanghal ang Kanyang kapangyarihan! Kapag ang ating kalakasan, mga talento, mga pagkakataon, at mga inaasahan ay limitado, malinaw nating nakikita ang karunungan, kaluwalhatian, at kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa mismong buhay natin.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Victory Through Weakness

Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/