Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tagumpay Sa Kabila Ng KahinaanHalimbawa

Victory Through Weakness

ARAW 3 NG 7

Ang Pag-asa ng Kaluwalhatian

Araw-araw, ang mga tao sa buong mundo ay inaalok ng mga huwad na pangako at huwad na pag-asa. Ang mga mabibilis na magsalitang tindero na nangangako ng “mapaghimalang lunas” sa telebisyon, at ang mga mamimiling umaasa sa sapantahang may madali at mabilis na kalutasan sa kanilang mga suliranin. Salungat dito, ang apostol na si Pablo ay hindi gumawa ng mga biglaang kapahayagan, na nagpapahiwatig na ang lahat ay maisasaayos ng Ebanghelyo. Sa katunayan, tahasan niyang sinabi na kung susunod tayo kay Cristo at nais nating makibahagi sa Kanyang kaluwalhatian, kailangan din nating makibahagi sa Kanyang pagdurusa. Kapag inilagay mo ang iyong pagtitiwala sa Diyos at itinakda mo ang iyong pag-asa sa hinaharap, maaari ka nang magalak ngayon.

Nagbigay si Pablo ng tatlong kadahilanan para gawin ito.

  • Ang mga pagdurusa mo ngayon ay wala kung ihahambing mo sa kaluwalhatian sa langit. Sa ngayon ay nabubuhay ka sa isang nalugmok na mundo na tinitiis ang ubod ng samang bunga ng sumpa ng kasalanan. Ngunit hindi ito mananatiling ganito Ikaw ay pinangakuan ng kaluwaltian sa hinaharap kung saan ang lahat ng mga mali ay itatama at tatamasahin mo ang kawalang-hanggan kasama ang Diyos magpakailanman.
  • Ang katawan mo ngayon ay mapapalitan ng isang bago at walang kapintasang katawan. Noong ikaw ay naligtas, isinama ka ng Diyos sa Kanyang pamilya. Kasama nito ang isang napakagandang pamana. Pinangakuan ka ng hindi lamang isang bagong katawang pisikal kundi ng lubos na kaligtasan kaya magiging kawangis ka ni Cristo at hindi na kailanman magkakasala. Ilagay mo ang iyong pag-asa sa Diyos habang may pananabik na hinihintay mo ang iyong niluwalhating katawan.
  • Ipinangako sa iyo na ang lahat ng bagay ay maaayos para sa ikabubuti mo kung ikaw ay tinawag ayon sa layunin ng Diyos(Mga Taga-Roma 8:28-29).Kung ikaw ay taga-sunod ni Cristo, gumagawa ang Diyos sa bawat pangyayari sa buhay mo para sa iyong kabutihan at sa Kanyang kaluwalhatian—maging sa mga pinakamahirap na pangyayari. Ang bawat anak ng Diyos ay nakakatanggap ng pangakong magiging tulad sila ni Cristo. Patuloy kang nagiging katulad ni Cristo habang lumalago ka sa pagsunod sa Kanya araw-araw. Ang prosesong ito ay magiging ganap kapag tinanggap mo na ang iyong niluwalhating katawan sa langit.

Ang mga paghihirap mo sa kasalukuyan ay matatapos din isang araw. Kapag ikaw ay na kay Cristo, ang mundong ito ay magdadala ng pansamantalang sakit at kabalisahan hanggang tawagin kang pauwi ng Panginoon. Bakit ba ang mga pagdurusa mo sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatian sa darating na hinaharap? Sapagkat sa langit ay magkakaroon ka ng ganap na katawang mula sa muling pagkabuhay at mananatili kang kasama ang Diyos sa kawalang-hanggan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Victory Through Weakness

Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/