Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tagumpay Sa Kabila Ng KahinaanHalimbawa

Victory Through Weakness

ARAW 4 NG 7

Ang Matalino Nating Ama sa Langit

Kanino ka bumabaling kapag kailangan mo ng payo? Ang paghingi ng payo mula sa iyong mga magulang, kaibigan, o pastor ay madalas na nakakatulong. Ngunit mayroong higit ang karunungan kaysa sa sinuman—ang Diyos mismo. Sa taludtod ngayong araw na ito, ipinakita ng Diyos na Siya ang ating kataas-taasang Ama sa langit sa Kanyang pagtuturo sa atin kung paanong mabuhay at nagbibigay Siya ng balangkas para maunawaan natin ang dahilan ng ating mga pagsubok.

Marahil ay may narinig na kayong isang batang nagtanong,“Ma, bakit itonangyayari?”Kung minsan ang isang naiinis na magulang ay mabilis na sasagot, “Dahil ganyan lang talaga yan!” Salamat na lamang at hindi ganyan sumagot ang Diyos sa mahihirap na katanungan natin sa Kanya. Bilang isang matiyaga at banayad na Ama, ipinapaliwanag Niya “kung bakit”—hanggang sa isang punto. Sa Santiago 1, ibinibigay ng Diyos ang kasagutan sa tatlo sa mga pinakamapanghamong katanungan sa buhay:

  • Bakit ako nakakaranas ng mga pagsubok?Ang mga pagsubok ay nagbibigay ng pagkakataon upang masubok ang iyong pananampalataya para lumago ka sa iyong espiritwal na buhay. Dapat ay ituring mo pa nga itong pagpapala at magalak, dahil sa kabatirang ikaw ay nasa proseso ng pagiging katulad ni Jesu-Cristo.
  • Saan ba ako dapat kumuha ng karunungan?Sa Diyos! Humingi ka sa Kanya nang may pananampalataya at pananalig at hindi ka sasawayin ng Diyos o kaya naman ay tatalikuran. Bilang iyong Ama sa langit, nais Niyang sagutin ang iyong mga panalangin at pagkalooban ka nang may kasaganaan.
  • Saan ba nanggagaling ang mga pagsubok at tukso?Ang Diyos ay hindi natutukso ni nanunukso sa kaninuman. Ang bawat tao ay natutukso sa pamamagitan ng kanyang sariling pagnanais. Bilang isang mananampalataya, may kapangyarihan kang manatiling matatag. Sa katapusan, lahat ng mga anak ng Diyos ay makakatanggap ng gantimpala ng buhay at mananatiling kasama Niya sa kawalang-hanggan!

Bagama't ang iyong mga magulang dito sa mundo at ang Ama sa langit ay may pagkakatulad sa ilang bagay, hindi sila magkapareho. Ang kapangyarihan, pag-ibig at pagkalinga ng Diyos ay higit na malayo ang naaabot kaysa sa kakayahan ng tao. Ang iyong Ama sa langit ang Siyang nagdadala ng mabubuting bagay sa buhay mo. Iniluwal ka ng iyong ina sa pisikal, ngunit ang Diyos ang iyong Manlilikha. Maaaring ang layunin ng mga magulang ay ang maging pare-pareho, ngunit ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago. Bilang anak Niya, pinili ka ng Diyos na ipanganak ng naaayon sa kung sino ka ngayon, at ikaw ay Kanyang mahalagang pag-aari. Sa susunod na may kaharapin kang pagsubok o kaya naman ay mangailangan ka ng karunungan, bumaling ka sa Salita ng Diyos at magtiwala sa pananalangin mo sa iyong Ama sa langit.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Victory Through Weakness

Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/