Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bawat Pusong NananabikHalimbawa

Every Longing Heart

ARAW 6 NG 7

Isang Makasariling Hambog at ang Tunay na Hari ng mga Judio

Nang pumasok ang mga Pantas sa Bethlehem at nagtanong tungkol sa bagong-silang na Hari ng mga Judio, sinubukan ni Herodes na itago ang kanyang nag-aalsang pagkataranta. Naunawaan niya ang kahalagahan ng presensya ng mga pantas at na ang sila ay nasa Bethlehem ay hindiwala lang. Sila ay nasa misyon na koronahan ang tunay Hari ng mga Judio, at problema ito.

Iginawad ni Emperador Augusto kay Herodes ang titulong “Hari ng mga Judio” bilang bayad-utang-loob sa kanyang ama, si Antipater. Hindi man lang Judio si Herodes, kundi taga-Idumea. Sa anumang paraan man niya natanggap ang titulo, paniniwala niya'y siya ang marapat na Hari ng mga Judio at sinumang umangkin sa titulong iyon ay banta sa kanyang trono.

Ang paghahari ni Herodes ay hanggang ngayong pinagtatalunan ng mga manunulat ng kasaysayan dahil sa kanyang mga katangian at gawaing nagsasalungatan. Sa isang banda, isa siyang walang-kapantay na tagapagpatayo ng mga gusali. Ang kanyang pinakamalaki at pinakamahalagang proyekto ay ang muling pagtatayo ng Templo ng mga Judio. Walang pagtitipid sa gastos sa muling pagtatayo nito, at maging ang mga guro ng Kasulatan, na hindi mga tagahanga ni Herodes, ay madalas na magkomento sa di-mapapantayang kagandahan nito.

Ngunit sa kabilang banda, anumang mabuting ginawa ni Herodes, ay lubos na natabunan ng kanyang grabe't matinding pagka-deskúmpiyado at kalupitan. Ang sinumang pinaghinalaan ng pagtataksil ay hindi ligtas sa kanyang presensya, kahit pa kanyang pamilya. Nang pinaghinalaan niya ang kanyang paboritong asawa, si Mariamne, at ang kanilang kambal na mga lalaki na gustong agawin ang kanyang trono, ipinapatay niya silang lahat.

Kaya't nang marinig ni Herodes ang balitang ang isa pang Hari ng mga Judio ang ipinanganak, natakot siya at nagpatawag ng isang lihim na pakikipagpulong sa mga Pantas. Inutusan niya ang mga ito na ibalik sa kanya ang tungkol sa kinaroroonan ng sanggol na hari upang masamba rin niya Siya. Ngunit dahil binalaan sila sa panaginip na huwag bumalik kay Herodes, ang mga Pantas ay nag-iba ng daan pauwi.

Ang malungkot na resulta ng pagkauhaw sa kapangyarihan ng deskúmpiyadong taong ito ay isang naghuhurumentadong pagpapatay. Inutos niyang pagpapatayin ang lahat ng mga batang lalaking dalawang taong gulang pababa sa Bethlehem.

Ang buhay ni Herodes ay isang halimbawa ng patuloy na labanang kosmiko para sa kapangyarihan sa pagitan ng liwanag at dilim. Mula sa makalupang pananaw, hinangad ni Herodes na alisin ang anumang kompetisyon para sa kanyang trono. Ngunit mula sa isang espirituwal na pananaw, ito ay gawain ni Satanas, sa pagtatangkang patayin ang dudurog ng ahas, si Jesu-Cristo. ( Gen 3:15).

Kung si Cristo ay hindi Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, mananatili ba Siya na isang malaking banta sa mga kaharian ng mundong ito? Ang katotohanang makalipas ang 2,000 taon, na hindi pa rin magawa ng mundong balewalain ang Hari ng mga Judio na isinilang sa BETHLEHEM ay higit na nagpapatunay sa Kanyang Paghahari!

Si Herodes ay dumating at nawala na, at ganoon din ang marami pang mga pinuno. Habang si Jesus ay nananatiling banta sa mga kaharian sa lupa, walang makakahadlang sa pagsulong ng Kaharian ng Diyos. May iisang Hari, at ang pangalan niya ay Jesus. Ang maliwanag na tugon sa Kanyang pagdating ay ang magpatirapa at sumamba sa Kanya.

  • Paano nagbabanta ang kapanganakan ni Jesus sa mga kaharian at mga pinuno ngayon?
  • Paano nagbabanta ang pagsilang ni Jesus sa aking kahandaang Siya ang mamahala at maghari sa aking buhay?
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Every Longing Heart

Sa sikat na himnong Pamasko ni Charles Wesley na “Come, Thou Long Expected Jesus,” inaawit natin na si Jesus ang kagalakan ng bawat pusong nananabik. Ngayong Adbiyento, tuklasin kung paanong inilalantad ng banal na orkestrasyon ng mga kaganapang pantao at iba't ibang tugon sa Kanyang pagdating, ang pananabik ng ating mga puso. Mula sa mga hari at mga pinuno hanggang sa mga pastol at naghihintay na mga birhen, ang pagdating ni Jesus ay nagpapakita kung ano ang ating pinahahalagahan. Sa Kanya hanapin ang kagalakan ng iyong puso ngayong Pasko.

More

Nais naming pasalamatan si Cara Ray sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cara-ray.com