Bawat Pusong NananabikHalimbawa
Hindi Inaasahang Mga Unang Saksi at ang Kanilang Pinakadakilang Kagalakan
Isang gabi iyong tulad lang ng isang libong iba pang gabi. Isang pangkat ng mga pastol ang nagtipon sa ligid ng sigâ upang magkuwentuhan at magkantahan. Ngunit bigla na lang, nahati ang langit, at ang nakakasilaw na kaluwalhatian ng isang anghel ang bumulag sa kanilang mga mata at ganoon na lang ang pagkatakot sa kanilang mga puso.
Habang napapalibutan ng kaluwalhatian ng Panginoon, nakita ng mga pastol ang isang anghel (marahil si Gabriel) na naghahayag ng mabuting balita ng kapanganakan ni Cristo, na sinundan ng isang pangkat ng daan-daang libong anghel na umaawit ng papuri sa Diyos. Ang buong eksena ay tila kurtinang binuksan nang sapat lang upang masilip ng mga pastol ang nagaganap na pagsamba sa langit.
Ngunit sa lahat ng mga taong maaaring pagpahayagan ng makalangit na anunsiyong ito, bakit ito unang ibinigay sa isang pangkat ng mga abang pastol?
Mula't sapul pa ay may malambot na puso na ang Diyos sa mga pastol. Ang pinakadakilang hari ng Israel, si David, ay minsang naging isang pastol, at si Moises ay naglingkod sa kanyang biyenang lalaki bilang isang pastol sa loob ng ilang taon. Bagamat kinabibilangan sila ng ilang mga sikat, ang mga pastol ay itinuturing noong pinakamababang klase sa panlipunang urian. Dahil sa kanilang trabaho, sila ay itinuring na marumi ayon sa Kautusan at hindi maaaring makalahok sa mga ritwal ng Judaismo.
Gayunpaman, inihayag ng Diyos ang kagila-gilalas na balitang ito sa mga hindi kilala, at marahil may-takot-sa-Diyos, na mga pastol. Ang kuwentong ito ay puno ng mga magkasalungat at kabaligtaran. Isang madilim na mabituing gabing dinagsa ng nakakabulag at napakamaningning na liwanag. Mga lalaking puno ng takot na naharap sa mga napakasaya at nagagalak na anghel. Mga simpleng pastol na naging mga ebanghelista. Pinakakabalintunaan sa lahat, ay na ang mga pastol ay malamang na nag-aalaga noon ng isang kawan ng mga korderong iaalay, habang ang Kordero ng Diyos ay ipinanganak sa isang sabsaban malapit doon. Sa pagmamadali nilang makita ang Bata, nalaman kaya nila na nakikita nila ang kahuli-hulihang handog na kordero - ang Kordero ng Diyos?
Ang katotohanang ibinahagi muna ng Diyos ang mabuting balita sa mga pastol ay, mismong, mabuting balita. Hindi marami sa atin ang matatawag na marunong ayon sa makamundong pamantayan, makapangyarihan, o maharlika. Pinipili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marunong. Kung ang mapabilang sa mga naturingang hangal sa sanlibutan ang magbibigay sa ating matunghayang malapitan ang pinakadakilang pag-aanunsiyong kailanmang ginawa, sasali na ako! Ang pag-aanunsiyo ng anghel ay nilayong magdala sa kanila ng malaking kagalakan, at layon nitong ang kapareho ang madala sa'yo ngayon. Ang Tagapagligtas ay isinilang! Ang mabuting balitang ito ay nagdudulot sa atin ng pinakamalaking kagalakan, kapwa ngayon at magpakailanman.
- Paano ako tinatawag ng Diyos na baguhin ang aking pag-iisip tungkol sa pagtanaw sa iba?
- Paano ako tinatawag ng Diyos na baguhin ang aking pag-iisip tungkol sa pagtanaw sa aking sarili?
- Paanong naaapektuhan ng pag-aanunsiyo ng anghel na ito ang aking pang-araw-araw na kagalakan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa sikat na himnong Pamasko ni Charles Wesley na “Come, Thou Long Expected Jesus,” inaawit natin na si Jesus ang kagalakan ng bawat pusong nananabik. Ngayong Adbiyento, tuklasin kung paanong inilalantad ng banal na orkestrasyon ng mga kaganapang pantao at iba't ibang tugon sa Kanyang pagdating, ang pananabik ng ating mga puso. Mula sa mga hari at mga pinuno hanggang sa mga pastol at naghihintay na mga birhen, ang pagdating ni Jesus ay nagpapakita kung ano ang ating pinahahalagahan. Sa Kanya hanapin ang kagalakan ng iyong puso ngayong Pasko.
More