Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bawat Pusong NananabikHalimbawa

Every Longing Heart

ARAW 1 NG 7

Isang Nakaaabalang Utos na Tumupad sa Propesiya

Sa isang pitik ng kanyang panulat, ipinagutos ni Emperador Augusto ang sensus kung saan kinailangan ng mga taong kanyang nasasakupang bumalik sa kani-kanilang mga bayang pinagsilangan upang mabilang. Gamit itong kaalaman ng kung gaano kalayo at kalawak ang sakop ng imperyo, mas mapaparami ng Roma ang pagbubuwis at makapagtatatag ng mas malaki at mas mahusay na militar. Ang sensus ay isang abala sa mga nasasakupan ni Augusto, ngunit wala sa kanya iyon. Iniisip lang niya ang pagtatatag at pagseseguro ngkanyang kaharian.

Hindi niya alam na ginagamit ng Diyos ang kanyang iniutos na sensus upang mailunsad ang kakaibang kaharian na walang katapusan, ang Kaharian ng Diyos.

Nang ang balita tungkol sa utos ay dumating kina Maria at Jose, sila ay nakatira sa Nazaret, 90 milya ang layo mula sa bayan ng Bethlehem, at si Maria ay malapit nang manganak. Nagmamadaling umalis sina Jose at Maria para sa mahirap na paglalakbay patungong Bethlehem. Bagama't ito ay tila napakamaabala at hindi komportable, higit pa sa natatalos ng mata ang nangyayari rito.

Pitong daang taon bago nito, sinabi na ng propetang si Mikas na ang lugar na pagsisilangan ng pinakahihintay na Mesiyas ay ang Bethlehem. Kung si Jesus ay ipinanganak sa Nazaret at hindi sa Bethlehem, hindi sana natupad ang Kasulatan, at hindi Siya maaaring maging Tagapagligtas. Ngunit ang problemang ito ay hindi masyadong malaki para sa Diyos. Gumamit Siya ng isang paganong tagapamahala at isang maabalang utos upang mailagay ang banal na pamilya sa lugar ng pagsasakatuparan ng propesiya ni Mikas.

Habang si Maria ay papalapit sa Bethlehem at lalong lumalala ang paghilab ng kanyang sinapupunan, maaaring tinatanong natin sa ating isipan kung siya ba ay nakatagpo ng kaaliwan sa katiyakang hindi siya hahayaan ng Diyos na magsilang sa daan. Maaaring naalala niya ang iprinopesiyang mga salita ni Mikas at na ang pagsilang na ito ay hindi mangyayari hanggang sa makarating sila sa Bethlehem.

Napakadalas, hindi natin nauunawaan ang tiyempo ng Diyos at mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay. Nalilimitahan tayo ng ating mga pananaw, ngunit nakikita ng Diyos ang lahat ng malalaki at maliliit na detalye ng ating buhay at isinasaayos ang mga ito upang maisakatuparan ang Kanyang kalooban. Tibayan ang iyong loob sa susunod na maglabas ng hindi kanais-nais na utos o ang iyong mga plano ay biglaan o hindi inaasahang magbago. Ang ipinagutos ng sensus ni Emperador Augusto ay nagpapaalala sa atin na ang Diyos ay laging gumagawa sa mga kaganapan sa sangkatauhan, at walang makakapigil sa Kanyang kalooban.

  • Paano ako tinatawag ng Diyos na mag-isip nang iba tungkol sa mga pandaigdigang kaganapan?
  • Paano ako tinatawag ng Diyos na mag-isip nang iba tungkol sa aking mga plano kapag may mga pagkaantala?
  • Paano akong mas hindi matitinag sa susunod na pagkakataong ang mga bagay ay hindi naaayon sa aking plano?
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Every Longing Heart

Sa sikat na himnong Pamasko ni Charles Wesley na “Come, Thou Long Expected Jesus,” inaawit natin na si Jesus ang kagalakan ng bawat pusong nananabik. Ngayong Adbiyento, tuklasin kung paanong inilalantad ng banal na orkestrasyon ng mga kaganapang pantao at iba't ibang tugon sa Kanyang pagdating, ang pananabik ng ating mga puso. Mula sa mga hari at mga pinuno hanggang sa mga pastol at naghihintay na mga birhen, ang pagdating ni Jesus ay nagpapakita kung ano ang ating pinahahalagahan. Sa Kanya hanapin ang kagalakan ng iyong puso ngayong Pasko.

More

Nais naming pasalamatan si Cara Ray sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cara-ray.com