Bawat Pusong NananabikHalimbawa
Isang Hamak na Alipin at ang Kanyang Kahanga-hangang Diyos
Siya ay isang walang asawa at malapit-nang-magdalang-taong dalaga mula sa bayan-bayanang Nazaret. Kung siya mismo ang tatanungin, siya ay isang pangkaraniwang tao lamang. Ngunit, ang anghel na si Gabriel ay may balita para sa kanyang kabaligtaran nito. Sinabi niyang siya ay lubos na kinalulugdan ng Diyos at na siya ay ituturing na pinakapinagpala sa mga babae...kailanman.
Ang kanyang hindi maarok na pribilehiyo ay na siya ay magbubuntis at magsisilang ng isang Anak, ang Mesiyas, at ang Kanyang paghahari ay pangwalang hanggan. Ngunit marahil na pinakanakabibigla sa lahat ay ang detalyeng ipagdadalantao niya ang Mesiyas samantalang isang birhen.
Kung may sinumang babaeng may dahilang mataranta sa balita ng hindi inaasahang pagbubuntis, si Maria iyon. Ang kanyang sitwasyon ay halos imposibleng ipaliwanag at maaaring ikasira sa lipunan. Ngunit ang tugon ni Maria sa balitang ito ay hindi makamundo gaya ng mensaherong naghatid nito. Ipinakita nito ang isang batang pusong babad-na-babad sa mga katotohanan ng salita ng Diyos na walang makatitinag sa kanya.
Ang awit ni Maria, o ang Magnificat, ay nag-uumapaw sa pagsamba para sa mga ginawa ng Diyos para sa kanya at sa Israel at sa mga susunod pang henerasyon. Habang binabasa mo ito, pag-isipan kung paanong labis na hinangad ng puso ni Maria na sumamba at magpasalamat.
1. Nagpasalamat Siya para sa Kasalukuyan
Lubusang napuspos ng papuri, tinukoy ni Maria ang Diyos ng mahigit dalawampung beses sa kanyang awit, at walong beses niya Siyang pinuri sa Kanyang mga ginawa. Ang kanyang puso ay nakaayon sa pagtanaw ng ginagawa ng Diyos sa bawat bahagi ng kanyang buhay. Ang pinakamariing hangarin ni Maria ay purihin, o dakilain, ang pangalan ng Panginoon.
2. Nagpasalamat Siya para sa Hinaharap
Nakita ni Maria ang ginagawa ng Diyos na aabot hanggang sa hinaharap sa pamamagitan ng Anak na kanyang isisilang. Kahit na sa kanyang kabataan, nabatid niyang nilulupig ng Diyos ang normal na kalakaran sa lipunan at itinataas ang isang abang aliping babaeng tulad niya.
3. Nagpasalamat Siya para sa Nakaraan
Dahil sa kanyang malawak na pagkaunawa sa Banal na Kasulatan, naintindihan ni Maria ang kanyang partikular na sitwasyon sa konteksto ng lahat ng nagawa na ng Diyos para sa Israel. Nakita niya ang kanyang bahagi sa malawakang kuwento ng pagtutubos ng Diyos, na mula sa tipanan kay Abraham. Ang Diyos ay naging tapat sa nakaraan at patuloy na magiging tapat sa kalagitnaan ng lahat ng hindi pa niya nalalaman.
Si Maria ang unang umamin na siya ay isang abang aliping babae ng Panginoon. Ngunit nakita ng Diyos ang higit sa kanyang katayuan at binigyan siya ng pinakamagandang pribilehiyong kailanmang ibinigay Niya sa sinumang babae.
Mula kay Eva, lahat tayo ay isinilang sa ilalim ng sumpa ng kasalanan, maliban lang sa Anak ni Maria. Hindi dahil si Maria ay walang kasalanan kundi dahil si Jesus, ay ipinagdalang-tao sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Si Maria ay pinagpala, at ang kanyang awit ay nagpahayag ng isang batang pusong nag-uumapaw sa pasasalamat at pagkamangha. Pakaisipin ang kanyang mga salita, at sikaping tularan ang kanyang kababaang-loob at pagkilala sa kanyang hindi pagiging karapat-dapat sa harap ng Diyos. Habang ginagawa natin ito, makikita natin ang Diyos tulad ni Maria, na tunay na pinananabikan ng ating mga puso.
- Pasalamatan ang Diyos para sa iyong nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Paano nadagdagan ng Kanyang katapatan sa iyo noong nakaraan ang iyong pagtitiwala sa Kanya ngayon at para sa hinaharap?
- Paanong muling isinasaayos ng Diyos ang iyong mga pinahahalagahan para mas mahalin Siya?
- Paano ka tinatawag ng Diyos na magpahayag ng higit na pasasalamat ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa sikat na himnong Pamasko ni Charles Wesley na “Come, Thou Long Expected Jesus,” inaawit natin na si Jesus ang kagalakan ng bawat pusong nananabik. Ngayong Adbiyento, tuklasin kung paanong inilalantad ng banal na orkestrasyon ng mga kaganapang pantao at iba't ibang tugon sa Kanyang pagdating, ang pananabik ng ating mga puso. Mula sa mga hari at mga pinuno hanggang sa mga pastol at naghihintay na mga birhen, ang pagdating ni Jesus ay nagpapakita kung ano ang ating pinahahalagahan. Sa Kanya hanapin ang kagalakan ng iyong puso ngayong Pasko.
More