Bawat Pusong NananabikHalimbawa
Isang Nakasisindak na Anghel at Isang Piping Tugon
Si Zacarias ay hindi makapaniwala sa kanyang pandinig nang magpalabunutan, at sa kanya natapat. Bilang isang pari, libu-libong ulit na siyang nakapaghandog ng mga hayop, ngunit hindi pa kailanman siyang nagkaroon ng karangalang mag-alay ng insenso sa Dakong Banal. Huminga nang malalim si Zacarias nang makapasok siya sa banal na silid.
Ang maliit na apoy na dala niya ay naghagis ng mga anino sa silid. Sa kanyang kanan, nakita niya ang mesa ng tinapay na handog, sa kanyang kaliwa, ang ilawang ginto, at sa harap niya ay ang altar na sunugan ng insenso. Sinindihan niya ang mabangong insenso sa altar at iniyuko ang kanyang ulo para magdasal. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya siyasa sulok ng kanyang mata.
Nakatayong nakababahala sa mga anino ang pinakakahanga-hanga at nakasisindak na katauhang kanyang nakita kailanman. Iyon ang anghel, si Gabriel.
Kahit na nakasisindak sa paningin si Gabriel, pinayapa ng anghel ang loob ni Zacarias na huwag matakot at sinabing mayroon siyang kagila-gilalas na balita. Ang mga panalangin nina Zacarias at Elisabet para sa isang anak na lalaki ay malapit nang masagot, at ang batang ito ay magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Ang batang ito na matagal-na-ipinagdadasal ay magiging tagapagpauna sa Mesiyas.
Ang tanging problema ay na si Zacarias at Elisabet ay lampas na sa edad ng pag-aanak. Kaya't tinanong ni Zacarias si Gabriel, "Paano ko pong matitiyak na mangyayari iyan?" Sumagot ang anghelikong mensahero, “Ako'y si Gabriel, na naglilingkod sa Diyos.” Sa madaling salita, hindi pa ba sapat ang mismong makita mo ako upang maniwala ka, Zacarias?
Tiyak, alam ni Zacarias na kayang sagutin ng Diyos ang kanyang mga panalangin, ngunit upang protektahan ang kanyang pag-asam, pinagpasyahan niyang hindi Niya ito gagawin.
Dahil sa kanyang hindi paniniwala, ginawang pipi ni Gabriel si Zacarias. Hindi siya makarinig o makapagsalita. Ngunit hindi ba lahat ng hindi paniniwala ay pipi? Kapag hindi tayo naniniwala sa ipinahahayag sa salita ng Diyos, nagpapakita rin tayo ng espirituwal na pagkapipi.
Kahit na noong una ay tumugon si Zacarias nang may pagdududa, ang kanyang "suspensiyon" ay nakatulong sa kanyang makita nang malinaw ang mga bagay-bagay. Nang sa wakas ay nakapagsalita na nang maayos ang kanyang dila, nag-umapaw sa papuri ang kanyang mga labi. Nang makapagsalitang muli, ginamit niya ang kanyang mga labi na papurihan ang Diyos sa halip na magpahayag ng pagdududa.
Nang ilang dekada, inakala nina Zacarias at Elisabet na ang sagot ng Diyos sa pananabik ng kanilang mga puso ay ‘hindi,’ ngunit ito pala ay isa lang na ‘hindi pa.’ Patuloy na manalangin, patuloy na maniwala, at patuloy na sumunod! Hindi mo alam kung ano ang maaaring ginagawa ng Diyos sa iyong hindi-pa-sinasagot na mga panalangin.
- Saan ako hindi naniniwala sa ipinahayag ng Diyos sa Kanyang Salita?
- Sa anong mga kahilingan sa panalangin akong natutuksong sumuko?
- Paano ko maimomodelo ang katapatan (na di-sakdal) nina Zacarias at Elisabet na patuloy na maniwala kapag natutukso akong sumuko?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa sikat na himnong Pamasko ni Charles Wesley na “Come, Thou Long Expected Jesus,” inaawit natin na si Jesus ang kagalakan ng bawat pusong nananabik. Ngayong Adbiyento, tuklasin kung paanong inilalantad ng banal na orkestrasyon ng mga kaganapang pantao at iba't ibang tugon sa Kanyang pagdating, ang pananabik ng ating mga puso. Mula sa mga hari at mga pinuno hanggang sa mga pastol at naghihintay na mga birhen, ang pagdating ni Jesus ay nagpapakita kung ano ang ating pinahahalagahan. Sa Kanya hanapin ang kagalakan ng iyong puso ngayong Pasko.
More