Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw ng Pamamahinga - Pamumuhay Ayon sa Ritmo ng DiyosHalimbawa

Sabbath - Living According to God's Rhythm

ARAW 8 NG 8

ANG SABBATH AT PAG-ASA    

PAGBUBULAY

"Hindi ko na mahintay ang magretiro," ang pabiro't seryosong kadalasang sinasabi ng aking nakababatang kasama sa kuwarto, kahit na meron pa siyang ilang nalalabing dekadang pagtatrabaho bago matupad ang kanyang kahilingan. "Mabuhay ang pagreretiro!" ang paminsan nating saloobin kapag naiisip ang kapahingahang ipinangako sa atin nang ibinigay ang ating buhay sa Diyos, ang Lupang Pangako na naghihintay sa atin pagkatapos ng kamatayan. Ito ay tila napakalayo kapag itinuring natin ang buhay na isang nakapapagod na lakbayin sa ilang. 

Subalit, ang may-akda ng Liham sa Mga Hebreo ay tumutulak sa ating makamtan ang Kanyang kapahingahan ngayon mismo (Mga Hebreo 4:11). Na may kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos (Mga Hebreo 4:9), "ay nangangahulugang mayroong espirituwal na kapahingahan kung saan tinatawag tayo ng Diyos" (Johannes Calvin). Samakatuwid, mayroon nang bahagi ng kapahingahan sa Araw ng Pamamahinga na maaari na natin ngayong makamtan bilang pangitain ng reyalidad na ito at magpapatuloy pang madaragdagan nang sampung ulit sa ipinangakong walang hanggan. 

Sa Mga Hebreo 4 ang "kapahingahan" ay tumutukoy sa isang ipinangakong lugar sa hinaharap, isang ligtas at maluwalhating lupain para sa bayan ng Diyos, at isang kasalukuyang kalagayan na may kaugnayan sa kapahingahan ng Diyos pagkatapos Niyang tapusin ang paglikha at ang pagdiriwang ng Kanyang gawa. Ito ay kapwa ang Lupang Pangako ng gatas at pulot at ang sandali ng sabayang pagsasaya sa presensya ng Diyos. Isang araw maaabot natin ang dulo ng ating lakbayin, tulad nang marating ng bayan ng Diyos ang lupain ng Canaan. Subalit, mula sa araw na ito at lalo na ngayon, tayo ay inaanyayahang lasapin ang kapahingahang ito at bumaling sa Diyos upang mamangha sa Kanyang kaluwalhatian, maalala ang Kanyang gawa at ilagay ang ating tiwala sa Kanya. Ang huli ay labis na mahalaga sapagkat ang may-akda ng Mga Hebreo ay nagbababala sa mambabasa na tulad ng mga Israelitang pinalampas ang pagkakataong makapasok sa Lupang Pangako sa Kades-barnea, maaari nating sayangin ang pagkakataon kung patitigasan natin ang ating mga puso. Sa pagtitiwala sa Diyos at pagpiling gawin ito sa bawat araw, ang kapahingahan ng Araw ng Pamamahinga ay sasama sa atin mula sa araw na ito hanggang sa pumasok tayo sa tunay na anyo nito sa Kanyang walang hanggang presensya. 

Huwag tayong maging mangmang sa ating pagsamba, bagkus tayo ay sumamba sa Diyos sa Espiritu at katotohanan. Basahin ang Biblia at pakinggan ang tinig ng Diyos. Basahin ang Biblia at masdan si Jesus. Basahin ang Biblia at tanggapin ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

MGA KATANUNGAN PARA SA PAGNINILAY  

  • Ano ang kahulugan ng espirituwal na kapahingahan sa akin?   
  • Paanong inaalagaan ng panahong iginugugol ko sa Araw ng Pamamahinga ang aking pag-asa?   
  • Mayroon bang mga aspeto ng aking buhay na nagsasanhi sa aking patigasin ang aking puso? 

MGA PAKSA SA PANALANGIN  

  • Ipanalangin nating bigyan tayo ng kapahingahan ng Diyos ngayon.   
  • Ipanalangin natin ang kapatawaran sa mga panahong hinahayaan natin ang ating puso ay tumigas at lumayo sa Diyos.   
  • Ipanalangin natin ang kapatawaran at na ang Kanyang pangako ay magbigay ng daan sa atin patungo sa Lupang Pangako, isang lugar ng kapahingahan at lugar na kung saan gugugulin Niya ang walang hanggan kasama natin.   
  • Humihingi tayo ng tulong na himukin ang bawat isa na maging mabuting halimbawa ng katapatan para sa sunod na henerasyon. 

MUNGKAHING PANALANGIN 

Ama, Nagtitiwala ako sa Iyo, kahit na ako ay maaaring nasa ilang, dahil alam ko na papatunubayan Mo ako tungo sa Iyong kapahingahan, sa Iyong ligtas at maluwalhating presensya. Nais kong mabuhay sa Iyong presensya upang tanggapin ang pag-asa at kapahingahan ng Araw ng Pamamahinga araw-araw. Amen.


Michael Mutzner, Permanenteng Kinatawan sa UN sa Geneva, World Evangelical Alliance, Switzerland.

Banal na Kasulatan

Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Sabbath - Living According to God's Rhythm

Ang Evangelical Alliance Week of Prayer (WOP) ay pandaigdigan ngunit sa kalakhang bahagi isinasagawa sa Europa na ang mga babasahing materyal ay nagmumula sa European Evangelical Alliance. Ang WOP 2022 ay isinasagawa sa temang "Araw ng Pamamahinga." Sa loob ng walong araw ang mga mambabasa ay inaanyayahang tumuon sa isang aspeto ng Araw ng Pamamahinga: pagkakakilanlan, probisyon, kapahingahan, kahabagan, pag-alaala, kagalakan, pagkabukas-palad, at pag-asa. Dalangin namin na ang babasahing ito ay makatutulong sa inyong (muling) tuklasin ang buhay ayon sa ritmo ng Diyos!

More

Nais naming pasalamatan ang European Evangelical Alliance para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang http://www.europeanea.org