Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw ng Pamamahinga - Pamumuhay Ayon sa Ritmo ng DiyosHalimbawa

Sabbath - Living According to God's Rhythm

ARAW 2 NG 8

ANG ARAW NG PAMAMAHINGA AT ANG PROBISYON NG DIYOS     

PAGBUBULAY

Mula sa unang kaapat ng taong 2020, ay naaalala ng mga tao sa buong mundo ang lahat ng mahihirap na sitwasyon na dulot ng pandemya. Pinaaalala sa ating mga Cristiano ng mga sandaling ito ang panahong itinagal ng bayan ng Diyos, ng mga Israelita sa ilang, nang naisin nilang bumalik sa pagkaalipin sa Egipto dahil sila ay nagugutom: "Mabuti pa sana'y pinatay na kami ni Yahweh sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto namin....." (Exodo 16:3). Nilikha ng Diyos ang Sabbath bilang huling gawain ng Kaniyang paglilikha, bilang tanda ng Kanyang biyaya at Kanyang malasakit para sa Kanyang bayan. 

Sa Exodo 20:8 pinaaalalahanan tayo ng Diyos na sumunod sa Araw ng Pamamahinga, isang araw ng kapahingahan para sa lahat, isang araw na nag-aalis ng di pagkapantay-pantay sa bawat aspeto ng buhay, lalo na yaong sa mababang katayuan sa lipunan. Ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin at pinakitutunguhan ang lahat ng Kanyang nilalang nang panay-pantay. Lahat tayo ay makatatamasa ng makadiyos na kapahingahan sa Araw ng Pamamahinga.

Sa ilang, pinakain ng Diyos ang Kanyang bayan ng ibang uri ng pagkain na ang literal na pagkatawag ay "Ano iyan?" Ito ay pagkain na may tandang pananong, at isinasalin mula sa Hebreo na "Mann-hou," manna. Sa pagkaing ito, inihanda ng Diyos ang Araw ng Pamamahinga at ginawa Niyang posible na masustentuhan ang Kanyang bayan at makalaya mula sa kanilang nakaraan sa Egipto.

Pagkatapos ng Exodo 16:4, ang mga tao ay tumanggap ng arawang rasyon ng manna bilang sapat na probisyon para sa maghapon. Ang binibigyang-diin dito ay ang pagsunod ng mga tao sa iniuuutos at pagpapatuloy sa madisiplinang pamamaraan. Tayo (ang mga tao sa ilang at mga Cristiano ngayon) ay tumatanggap araw-araw sa pamamagitan ng Salita ng Diyos ng gabay kapwa sa pagsunod at sa disiplina. Tayo ay pinagkalooban nito ng katiyakan ng kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay. 

MGA KATANUNGAN PARA SA PAGNINILAY  

  • Mayroon ba tayong "karne at tinapay hanggang gusto natin" na kailangang palitan ng bagong pagkain mula sa itaas?   
  • Paanong ang Diyos ang nagkaloob sa iyo ng "bagong pagkain" na hindi mo alam noon?   
  • Ang pang-araw-araw na pagtitiwala sa Diyos ay kinakailangang maging reyalidad para sa ating mga Cristiano, at ang pagsunod at disiplina ay hindi palaging bahagi ng ating pamumuhay. Kailangan ba nating tuklasing muli ang mga elementong ito? Paano?

MGA PAKSA SA PANALANGIN  

  • Ipanalangin natin ang mga Cristianong inuusig sa mundo. Nawa'y tanggapin nila ang manna, ang pang-araw-araw na probisyon mula sa Diyos.  
  • Ipanalangin natin ang pananampalataya ng mga Cristianong mula sa mga dayuhang lahi, lalo na ang mga kabataang sinusubok ang pananampalataya.   
  • Ipanalangin natin na muling magluklok ang Diyos ng mga taong katulad ni Moises (mga lider) sa ating mga Cristianong pamayanan.

MUNGKAHING PANALANGIN 

Panginoon, pinangalagaan mo ang Iyong bayan sa ilang. Pinakain, iningatan, at hinimok Mo sila. Salamat sa biyayang alok Mo sa Iyong mga pinalaya mula sa pagkaaalipin sa Egipto

Salamat din sa ginawa Mo sa amin. Pinalaya Mo kami mula sa pamumuhay na alipin ng kasalanan, at isinama Mo kami sa Iyong kaharian. Inaalagaan Mo kami ng Iyong salita. Iniingatan at pinatitibay Mo kami araw-araw.  

Itinatakwil namin ang bumalik sa aming "Egipto" ng aming nakaraan at kami ay bumabaling sa Iyo, Jesus. Tulungan Mo kami na ipamuhay ang mga oras ng kapahingahan sa Iyong presensya, kung saan kami ay pinagkakalooban Mo ng lakas at tapang na aming kailangan upang gawin ang Iyong kalooban. Amen.


Joseph Kabongo, Dating Pangulo ng African churches in Switzerland, Switzerland.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Sabbath - Living According to God's Rhythm

Ang Evangelical Alliance Week of Prayer (WOP) ay pandaigdigan ngunit sa kalakhang bahagi isinasagawa sa Europa na ang mga babasahing materyal ay nagmumula sa European Evangelical Alliance. Ang WOP 2022 ay isinasagawa sa temang "Araw ng Pamamahinga." Sa loob ng walong araw ang mga mambabasa ay inaanyayahang tumuon sa isang aspeto ng Araw ng Pamamahinga: pagkakakilanlan, probisyon, kapahingahan, kahabagan, pag-alaala, kagalakan, pagkabukas-palad, at pag-asa. Dalangin namin na ang babasahing ito ay makatutulong sa inyong (muling) tuklasin ang buhay ayon sa ritmo ng Diyos!

More

Nais naming pasalamatan ang European Evangelical Alliance para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang http://www.europeanea.org