Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw ng Pamamahinga - Pamumuhay Ayon sa Ritmo ng DiyosHalimbawa

Sabbath - Living According to God's Rhythm

ARAW 6 NG 8

ANG ARAW NG PAMAMAHINGA AT KAGALAKAN         

PAGBUBULAY

"Ano ang gagawin tuwing Linggo? 50 ideyang panlaban sa pagkabagot!" 

Isang magasin ay sinusubukang kunin ang iyong pansin sa ulo ng balitang ito. Ang araw ng kapahingahan ay punong-puno ng masasayang libangan o puno-ng-aksiyong paglalagalag. Ang pangunahing layunin ay maranasan ang isang bagay na nagbibigay ng kasiyahan. Subalit, ang kagalakan ay hindi mahahawakan. Ang maiinam at masasayang mga karanasan ay maaaring maulit, subalit, kapag natapos na ang mga ito, ang mga kasamang emosyon ay mawawala rin. Ang maiiwan ay ang pagnanais ng higit pang mga kasiya-siyang mga karanasan. Ang ating mundo ay sabik sa kaligayahang matatagpuan sa mga karanasan. Subalit, paano bang ang pananabik sa kagalakan at kaligayahan ay makakamtan at hindi lamang mananatiling paghahabol lamang sa hangin? At ano ang mangyayari rito kapag naliliman ng mga ulap ng sakit at kalungkutan ang magagandang karanasan? Ang mga kasagutan sa mga katanungang ito ay sabayang simple at mahirap. 

Kung ang kagalakan ay nakakonekta lamang sa magaganda at masasayang karanasan na kaloob ng Diyos, hindi ito tunay na kagalakan. Ang kagalakang ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitang ng Araw ng Pamamahinga ay mas malalim at hindi makukuha sa atin. Siya ay nagkaloob sa atin ng lugar at panahon para makasama Siya. Kung tayo ay malapit sa Diyos, ang tunay na kagalakan ay makakamtan; ang ganitong uri ng kagalakan ay higit sa anumang ating maisipang hangarin na anupamang ibang kagalakan. Tayo ay maaaring mapuno ng matinding kagalalakan sa presensya ng Diyos, kahit na ang ating kaluluwa ay umiiyak. Ang partikular na kagalakang ito ay tumutulong sa ating magkaroon ng bagong pananaw at nagbibigay sa atin ng suporta sa mga oras ng kagipitan. Ito ay tuwirang dumadaloy mula sa puso ng Diyos patungo sa ating puso at kapahayagan ng Kanyang pag-ibig sa atin. 

Kung ang Diyos mismo ay nagalak sa Kanyang nilikha noong ikapitong araw, di ba't lalo na tayong may dahilang magalak, sa pakikipagtulungan sa Kanya sa Kanyang Kaharian? Kapag ating napagtanto na ang ating buhay ay nasa mga kamay ng sukdulang makapangyarihang Diyos, at na ang lahat ng mayroon tayo at kailangan ay matatagpuan sa Kanya, tanging magalak ang magagawa ng ating puso. Ito ang tunay na kahulugan ng Araw ng Pamamahinga. 

Dahil sa kagalakang ibinibigay Niya sa atin at mayroon tayo sa Kanya, mas masisiyahan tayo sa mga kaloob ng Diyos; mga kaloob tulad ng kakayahang maglakad at hangaan ang nilikha ng Diyos, ang masiyahan sa meryenda kasama ng mga kaibigan, o pagdiriwang kasama ng buong pamilya. Ang Linggo ay hindi kinakailangang maging araw ng pagkakait-sa-sarili at pagtitipid. Maaari natin itong tamasahing isang araw ng pagsasama-sama at pagdiriwang. 

MGA KATANUNGAN PARA SA PAGNINILAY  

  • Paano ko maipahahayag ang aking kagalakan sa Diyos tuwing Linggo?    
  • Ayon sa Biblia, "Ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." (Nehemias 8:10) Ang akin bang lakas at kapangyarihan ay nababatay sa kagalakan sa Panginoon o sa aking kalagayan?   
  • Maaari ko bang tamasahin ang mga kaloob ng Diyos nang hindi naghahangad ng higit pa?

MGA PAKSA SA PANALANGIN  

  • Ipanalangin natin sa Diyos na ipakitang muli sa atin kung paanong masiyahan sa Araw ng Pamamahinga na kasama Siya.   
  • Ipanalangin natin ang makalangit na kagalakan na muling magpapasigla ng ating buhay kahit ano ang ating kalagayan.   
  • Ipanalangin natin na ang Araw ng Pamamahinga ay puspos ng Espiritu Santo na nagsisindi ng kagalakan sa ating kalooban.    
  • Ipanalangin natin na ang ating mga simbahan ay magdiriwang nang may kapangyarihan ng masaganang kagalakan.    
  • Pagsisihan natin ang mga pagkakataong tumuon tayo sa mga kaloob ng Diyos at nawawala ang tingin sa Diyos, ang tagapagkaloob

MUNGKAHING PANALANGIN

Panginoon, nagpapasalamat kami dahil ang Iyong presensya ang aming tanging kailangan. Sa Iyo natatagpuan namin ang kagalakan na masagana. Itinataas namin ang paningin sa Iyo at pinapupurihan Ka, dahil Ikaw ang aming Diyos at hari. Salamat sa pagpapakita sa amin kung paano Ka namin pararangalan at ipagdiriwang sa Araw ng Pamamahinga. Salamat sa paghawak ng aming buhay sa Iyong mga kamay at dahil Ikaw ang pinagmumulan ng aming kaligayahan. Amen.


Deborah Zimmermann, Direktor ng 24-7 Prayer CH, Switzerland.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Sabbath - Living According to God's Rhythm

Ang Evangelical Alliance Week of Prayer (WOP) ay pandaigdigan ngunit sa kalakhang bahagi isinasagawa sa Europa na ang mga babasahing materyal ay nagmumula sa European Evangelical Alliance. Ang WOP 2022 ay isinasagawa sa temang "Araw ng Pamamahinga." Sa loob ng walong araw ang mga mambabasa ay inaanyayahang tumuon sa isang aspeto ng Araw ng Pamamahinga: pagkakakilanlan, probisyon, kapahingahan, kahabagan, pag-alaala, kagalakan, pagkabukas-palad, at pag-asa. Dalangin namin na ang babasahing ito ay makatutulong sa inyong (muling) tuklasin ang buhay ayon sa ritmo ng Diyos!

More

Nais naming pasalamatan ang European Evangelical Alliance para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang http://www.europeanea.org