Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Ina sa InaHalimbawa

Living Changed: Mom to Mom

ARAW 7 NG 7

Biyaya

Bilang mga ina, hindi natin ito nakukuha nang tama sa lahat ng pagkakataon. Mayroong mga araw na tayo ay pagod, bigo at wala nang lakas na nagiging sanhi upang tayo ay sumigaw at magsabi ng isang bagay na nakakasakit. Sa halip na parusahan ang ating sarili, maaari nating pag-aralang iabot ang biyaya sa ating sarili at sa ating mga anak.

Maraming mga sandali nang ang aking mga anak ay lumalaki na ako ay nagiging aburido at hindi nagiging maayos ang aking pagtugon. Natatandaan ko ang isang partikular na pagkakataon kung saan paulit-ulit kami sa nakakapagod na pag-uusap tungkol sa parehong pagkakamali. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila? Kailan sila matututo? Pagkatapos ay naisip ko ang Diyos na nagsasabi, "Mabuti na lang at hindi Ako ganyan maging magulang sa iyo!" Ito'y isang napapanahong paalala na ang Diyos ay nag-aalok ng napakalaking biyaya at habag, at kinakailangan na gawin ko rin iyon. 

Isa sa mga napakainam na paraan na tinutulungan ko ang aking mga anak tungkol sa biyaya ay hilingin sa kanila na magpatawad kung ako ay nagkakasala. Ginagawa ko iyon mula noong maliit pa sila, hanggang sa kanilang pagdadalaga't pagbibinata, at hanggang sa ngayon. Hindi ko lang basta sinasabi ang pasensiya na, dahil maraming mga tao ay humihingi ng tawad at wala ito sa loob. Hinihiling ko sa kanila na patawarin ako. Ito ay isang mahalagang katangian na natuklasan ko na nag-iiwan ng matibay na impresyon. 

Kapag humingi ako sa kanila ng tawad, ito ay nagbubuo ng tiwala sa pagitan namin dahil nakikita nila na ako ay handang magpakumbaba at aminin ang aking pagkakamali. Ito ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na masanay sa pag-aabot ng biyaya, kahit na mahirap, sila ay nasasaktan, at ayaw nila. Ito rin ay nagpapakita sa kanila kung paano magkaroon ng nagsisising puso sa kanilang mga kaibigan at pamilya, at maging sa Diyos. 

Bilang mga magulang, tayo ang pinakamalapit at pinakaepektibong halimbawa sa buhay ng ating mga anak kung ano ang hitsura ng pagkakaroon ng ugnayan sa Diyos. Kung tuturuan natin ang ating mga anak na ang paghingi ng tawad ay hindi isang bagay na dapat ikahiya o takbuhan, malalaman nila na maaari silang bumaling sa Diyos para sa kapatawaran na walang takot na mahatulan.

Ang paraan kung paano natin ipamuhay ang ating buhay bilang mga Cristiano ay hindi lamang nagbibigay sa ating mga anak ng halimbawa na dapat sundin (mabuti o masama), subalit ito rin ang humuhugis sa kanilang pananaw sa katangian ng Diyos. Sa lahat ng ating ginagawa at sinasabi, sikapin nating kilalanin si Cristo, maging katulad Niya, at ituro Siya sa ating mga anak. Kapag ginawa natin ito, tinutulungan natin na mapagtibay ang kanilang mga kaugnayan dito sa mundo at ang kanilang kaugnayan sa Diyos.

Dalangin namin na gamitin ng Diyos ang gabay na ito upang magministeryo sa iyong puso.
Explore Other Living Changed Bible Plans
Learn More about Changed Women's Ministries  

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Mom to Mom

Ang pagiging ina ay ang lubhang kasiya-siyang papel na ating gagampanan, subalit ang daan patungo at sa kabuuan ng pagiging ina ay isang hamon. Ito ay puno ng kawalan ng kapanatagan, pagsubok, mga sandali ng pagpapakumbaba, at mga pagkakataon upang magtiwala sa Diyos. Sa 7-araw na gabay na ito, pitong ina mula sa iba't ibang mga yugto ng buhay ang magbabahagi ng kanilang karanasan at pinagpunyagiang karunungan tungkol sa pagiging ina.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com