Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Ina sa InaHalimbawa

Living Changed: Mom to Mom

ARAW 4 NG 7

Pagpapakumbaba

Nang magkaroon ako ng anak na babae, hindi ko sukat akalain na magkakaroon ng isang araw na ibabahagi ko siya sa ibang babae. Ang kanyang ama at ako ay naghiwalay noong siya ay 6 na taong gulang. Pareho kaming nag-asawang muli at kahit ang kanyang asawa ay hindi nagkaroon ng sariling anak, nagagalak siya sa pagkakaroon ng bahagi sa pagpapalaki sa aking anak. Ang pagbahagi sa kanya ay isa sa mga pinakamalaking hamon na aking kinaharap. 

Ilang taon na ang nakalipas, ang Araw ng mga Ina ay nangyaring tumapat sa katapusan ng linggo kasama ng kanyang ama. Gumawa ako ng mga plano kasama ng aking anak at hindi pumasok sa aking isipan na hindi ko siya makakasama sa araw na iyon. Ang Araw ng mga Ina ay para sa akin. Ako ang nagluwal sa kanya, kung tutuusin, at ako ay may pilat mula sa aking operasyon na magpapatunay dito. 

Nang umagang iyon, ang aking dating asawa ay nakipag-ugnayan upang itanong kung kailan niya inaasahang makita ang aming anak. Nais niya ring magdiwang silang mag-asawa kasama ang aking anak sa Araw ng mga Ina. Nagulat ako na humiling pa siya na hatiin ko ang aking oras. Umiyak ako at sumigaw at nagsabi ng mga bagay katulad ng, "hindi nga siya ina! Hindi niya pwedeng kunin ang anak KO sa Araw ng mga Ina!" Ginawa niya ang kanyang makakaya upang ipaliwanag ang kahalagahan nito, subalit ako ay nagmatigas at hindi maaaring magbahagi ako. 

Hindi nagtagal pagkatapos ng pag-uusap namin, ipinaalala sa akin ng Diyos ang mga bagay na ginagawa ko para sa dalawang anak na babae ng aking kasalukuyang asawa at ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanila. Maaaring hindi ako ang kanilang ina, subalit gumagawa ako ng mga gawaing ina para sa kanila. Dumarating ako kapag kailangan nila ako at mahal din nila ako. 

Mahal ng aking anak ang asawa ng kanyang ama. Maaring wala siyang pilat dahil sa operasyon upang patunayan na siya ang nagluwal sa isang bata, subalit siya ay mapagmahal, matulungin, at nagbibigay sa aking anak magmula nang pinili niyang maging bahagi ng buhay ng dating asawa ko. Gumagawa siya ng gawain ng ina na walang titulo o parangal. Nang hapong iyon, humingi ako ng paumanhin sa aking unang asawa at sa kanyang may-bahay para sa mga masasakit na salita at ipinagmaneho ang aking anak upang guguiln ang hapon sa kanila. 

Sa kanyang sulat sa mga Taga-Efeso, si Apostol Pablo ay nagsabi na kinakailangan na tayo ay "may lubos na kapakumbabaan at kaamuan; may pagtitiyaga, na magparaya sa isa't isa sa pag-ibig. Nagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayaan.” 

Patuloy akong nagsusumikap upang magamit ang talatang ito sa aking buhay at matutunan kung paano maging katuwang na magulang sa paraan na nais ng Diyos sa akin: mayroong kapakumbabaan, may pagtitiyaga, at pagmamahal. Ang bawat magulang sa aming pinagsama-samang pamilya ay nagsisikap nang mabuti sa pagpapanatili ng pagkakaisa at kapayapaan. Gumagawa kami ng araw-araw na mga sakripisyo upang ipakita ang biyaya at kabutihan sa isa't isa at nagtitiwala na ang bawat isa ay mayroong mabuting layunin. Ang pagiging mabuti bilang magkatuwang na magulang ay isang hamon, subalit posible.

Kahit ano ang ating kalagayan sa pagiging magulang—nagsosolong ina, mag-asawa, o pamilya sa muling pag-aasawa—maraming mga pagkakataon upang maging magulang na may kapakumbabaan. Tayo ay tinawag upang magpakita ng pagmamahal at paggalang sa lahat, kasama yaong mga tumutulong sa atin upang palakihin ang ating mga anak at ang anak natin mismo. Hindi lang ito nagtatakda ng positibong halimbawa para sa ating mga anak kung paano magmahal nang mabuti sa iba, kundi ito ay nagbibigay karangalan sa Diyos.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Mom to Mom

Ang pagiging ina ay ang lubhang kasiya-siyang papel na ating gagampanan, subalit ang daan patungo at sa kabuuan ng pagiging ina ay isang hamon. Ito ay puno ng kawalan ng kapanatagan, pagsubok, mga sandali ng pagpapakumbaba, at mga pagkakataon upang magtiwala sa Diyos. Sa 7-araw na gabay na ito, pitong ina mula sa iba't ibang mga yugto ng buhay ang magbabahagi ng kanilang karanasan at pinagpunyagiang karunungan tungkol sa pagiging ina.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com