Nabagong Pamumuhay: Ina sa InaHalimbawa
Panganib
Bilang ina ng tatlong lalaki, natutunan ko na nilikha ng Diyos ang bawat maliit na batang lalaki na may pagnanais sa pakikipagsapalaran. Nang ang aking mga anak ay maliliit pa, sila ay palaging gumagawa ng mga pagkilos na parang sila ay bida sa isang pelikulang aksyon. Walang takot silang tumatakbo, tumatalon, nagpapadulas, at gumugulong kahit saan sila pumunta sa kabila ng aking mga babala na mag-ingat sila. Bawat araw ay nagbibigay sa kanila ng isa pang pagkakataon na sumubok sa kanilang kakayahan, suungin ang panganib, at tumuklas ng isang bagay na bago.
Sa isa sa mga bakasyon ng aming pamilya, dinala namin sila sa Grand Canyon. Sila ay talagang namangha, at nais nilang makita kung gaano sila makakalapit sa gilid. Ito ay nakakapangilabot sa akin! Ang mga tanong katulad ng "Paano kung mahulog sila?" at "Paano kung madulas sila?" ay tumatakbo sa aking isipan. Kung ako ay may mga pag-aalinlangan, alam ko na ang aking mga anak ay naghahanap ng pakikipagsapalaran upang mabuhay.
Naniniwala ako na ginawa ng Diyos na ganito ang mga anak ko bilang larawan kung sino Siya. Ipinapakita sa atin ng Biblia na gusto ng Diyos ang pakikipagsapalaran at pagharap sa malalaking panganib. Halimbawa, masasabi ko na ang pinakamalaking panganib na sinuong ng Diyos ay nang ipadala Niya ang Kanyang anak na si Jesus upang mamatay para sa ating mga kasalanan. Binigyan Niya tayo ng pagpipilian na pumili ng pinakadakilang pag-ibig na naibigay at may panganib na hindi natin piliin na tanggapin si Cristo.
Ang aking panggitnang anak ay 18 taong gulang at malapit nang simulan ang pinakamalaking pakikipagsapalaran niya sa buhay. Siya ay tutungo sa Mexico nang mag-isa upang mangaral ng Mabuting Balita para sa mga hindi nakakakilala kay Jesus. Nang una niyang sinabi kung ano ang pagkatawag ng Diyos sa kanya, ang aking mga unang naisip ay, "Hindi ito ligtas. Ito ay masyadong mapanganib." Ipinaalala kaagad sa akin ng Diyos na hindi Niya tinawag ang aking mga anak upang maging segurista. Tinawag Niya sila upang sumuong sa mga panganib. Trabaho ko bilang kanilang ina na suportahan sila sa kanilang pagkatawag, huwag silang pigilan dahil sa aking takot.
Ginagamit ng Diyos ang mga ganitong sandali katulad ng sa Grand Canyon upang tulungan ako na maunawaan na, sa bawat maliit na pakikipagsapalaran, inihahanda Niya ang aking mga anak sa mas dakilang pakikipagsapalaran para sa Kaharian. Pribelihiyo kong suportahan sila sa kanilang paghayo at sabihan yaong mga hindi pa naaabot ng tungkol sa kanilang pagpipilian na piliin nila si Jesus at ipamuhay ang kanilang sariling pakikipagsapalaran.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagiging ina ay ang lubhang kasiya-siyang papel na ating gagampanan, subalit ang daan patungo at sa kabuuan ng pagiging ina ay isang hamon. Ito ay puno ng kawalan ng kapanatagan, pagsubok, mga sandali ng pagpapakumbaba, at mga pagkakataon upang magtiwala sa Diyos. Sa 7-araw na gabay na ito, pitong ina mula sa iba't ibang mga yugto ng buhay ang magbabahagi ng kanilang karanasan at pinagpunyagiang karunungan tungkol sa pagiging ina.
More