Nabagong Pamumuhay: Ina sa InaHalimbawa
Pagtitiwala
Ang ating mga anak ay dumating sa mundong ito na lubos na umaasa sa atin. Gustong-gusto natin na ingatan sila, subalit hindi maiiwasan na magkaroon sila ng mga pantal dahil sa lampin, sakit ng tiyan, at ang unang sipon. Isang mahirap na gawain ang maging isang sanggol, subalit mas mahirap pa sa mga ina na nakikita silang nahihirapan.
Nang ang aking anak ay apat na buwang gulang, siya ay nanilaw at nangailangan ng phototherapy. Kinailangan niyang mahiga sa isang "maleta" na may UV na liwanag mula Biyernes ng gabi hanggang tanghali ng Linggo. Ang tanging pagkakataon na puwede namin siyang ilabas o siya ay mahawakan ay upang pakainin at palitan ang kanyang lampin. Naiinis ako. Alam ko na ang paggamot ay kinakailangan upang siya ay gumaling, subalit nadudurog ang puso ko na hindi ko siya maprotektahan sa lahat ng iyon. Nararamdaman ko na ako ay walang kapangyarihan. Mabuti na lang, ang katapusan ng linggo ay natapos at ang paggamot ay nagkabisa.
Yaong mga mahihirap na araw na iyon ay tumulong sa akin upang maunawaan na ang susi upang mapagtagumpayan ang pagiging magulang ay ang magtiwala sa Diyos. Siya ang tunay na taga-pangalaga ng aking anak. Habang ako ay may mahalagang papel na ginagampanan, ang aking kakayahan ay limitado samantalang ang sa Kanya ay hindi. At kahit gaano ko kamahal ang aking maliit na anak, mas mahal pa siya ng Diyos. Nagtitiwala ako na ang aking anak ay ligtas sa Kanyang mga kamay.
Ang pagpili sa pagtitiwala sa Diyos para sa ating mga anak ay hindi madali. Maaaring alam natin sa ating isipan na ang Diyos ay mapagkakatiwalaan subalit mahirap pa rin na isuko ang ating mga pag-aalinlangan at takot sa Kanya. Subalit, sa mga pagsasanay, matututo tayo na luwagan ang ating pagkakakapit at ilagak ang bigat ng ating mga alalahanin sa paanan Niya sa krus.
Ang aklat ng Isaias ay nangako na ang Diyos ay magbibigay ng lubos na kapayapaan sa mga may matatag na paninindigan, dahil sila ay nagtitiwala sa Kanya. Kung pinili natin na pagtiwalaan ang Diyos sa ating mga anak, papalitan Niya ang ating mga nababahalang isipan ng Kanyang kapayapaan. Ito ang kinakailangan nating gawin nang paulit-ulit, para sa buong buhay ng ating anak. Mas maagang magpakadalubhasa tayo sa palitang ito, mas maaga nating matututunan na mabuhay sa kalayaan na ibinigay ng Diyos sa atin bilang mga ina.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagiging ina ay ang lubhang kasiya-siyang papel na ating gagampanan, subalit ang daan patungo at sa kabuuan ng pagiging ina ay isang hamon. Ito ay puno ng kawalan ng kapanatagan, pagsubok, mga sandali ng pagpapakumbaba, at mga pagkakataon upang magtiwala sa Diyos. Sa 7-araw na gabay na ito, pitong ina mula sa iba't ibang mga yugto ng buhay ang magbabahagi ng kanilang karanasan at pinagpunyagiang karunungan tungkol sa pagiging ina.
More