Nabagong Pamumuhay: Ina sa InaHalimbawa
Pinili
Nanalangin ka na ba nang marubdob para sa isang bagay at sa mahabang panahon ay hindi mo tiyak kung ito ay mangyayari? Nang ito ay mangyari, kaagad mo bang naramdaman na hindi ka karapat-dapat at tiyak na masisira mo ito? Maligayang pagdating sa pagiging ina! O maaaring sa buhay lang.
Palagi kong pinapangarap na maging ina. Ito ay isang bagay na sinimulan kong ipanalangin sa napakamurang edad. Bago ito tuluyang mangyari, ito ay pinangunahan ng maraming taon ng pananalangin, mga di inaasahang hadlang, pagkabaog, at maging ang pagkalaglag ng nasa sinapupunan.
Maraming mga pagkakataon kaysa sa gusto kong tanggapin, naramdaman ko hindi ako karapat-dapat, wala akong kakayahan, at nag-iisa sa loob ng mga mahihirap na taong iyon. Nadama ko na ako ay maaring hindi sapat at alam din ng Diyos na magiging isang pagkakamali para sa akin na magkaroon ng mga anak. Nadama ko na ako ay isang talunan. Ito ay isang bagay na tanging ako lang ang makagagawa para sa akin at sa aking asawa, at ito ay hindi nangyayari sa amin.
Maraming mga pagkakataon sa ating lakbayin patungo at sa kabuuan ng pagiging ina na nararamdaman natin na tayo ay nag-iisa, hindi nauunawaan, o iniwan. Subalit ang totoo, ang Diyos ay nasa panahong iyon bago pa tayo at alam Niya kung paano tayo gagabayan. Kinakailangan lamang na sumandig sa Kanya para sa kalakasan at kaaliwan at pakinggan ang Kanyang patnubay.
Anumang oras na nagsisimula kong maramdaman na yaong mga pagdududa sa sarili o ang kawalan ng kapanatagan ay umuusbong, binabalikan ko ang katotohanan ng Diyos at pinaaalalahanan ang aking sarili na hindi Siya nagkakamali. Ako ay pinili. Pinili Niya ako sa lakbaying ito ng pagiging ina, upang maging ina ng aking mga anak, at mamunga nang magtatagal.
Kahit sa anong paraan ka naging ina—sa pamamagitan ng pagsisilang, pag-aampon, o pag-aasawa sa kanilang ama—pinili ka ng Diyos. Hindi mo palagi itong magagawa nang tama, subalit hindi ang pagiging perpekto ang mithiin. Iisa lamang ang perpektong magulang, ang ating Ama sa Langit. Nangako Siya na makakasama mo at tutulungan ka sa bawat hakbang. Sumandig sa pakikinig sa Kanyang tinig, magtiwala sa Kanya na patnubayan ka, at patuloy na sumulong dahil ikaw ay ginawa para dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagiging ina ay ang lubhang kasiya-siyang papel na ating gagampanan, subalit ang daan patungo at sa kabuuan ng pagiging ina ay isang hamon. Ito ay puno ng kawalan ng kapanatagan, pagsubok, mga sandali ng pagpapakumbaba, at mga pagkakataon upang magtiwala sa Diyos. Sa 7-araw na gabay na ito, pitong ina mula sa iba't ibang mga yugto ng buhay ang magbabahagi ng kanilang karanasan at pinagpunyagiang karunungan tungkol sa pagiging ina.
More