Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 1 NG 15

PANALANGIN:

Oh Diyos, buksan Ninyo ang aking mga mata ngayon upang makita ang aking sarili tulad ng pagtingin Ninyo sa akin. 


PAGBASA:

Ang ating pagkakakilanlan ay ang kuwentong sinasabi natin sa ating sarili patungkol sa ating sarili. Ang kuwentong iyan ay nahuhubog nang buong buhay natin sa pamamagitan ng ating mga makabuluhang relasyon at karanasan. Ito ay isang lente sa pagtanaw natin sa mundo. Kadalasan, hindi natin namamalayan ito, ngunit ginagabayan nito ang marami sa ating mga desisyon at iniimpluwensiyahan ang ating mga reaksyon sa mga tao at mga pangyayari.


Halimbawa, kung sa isang punto sa iyong nakaraan ay isinaloob mo ang mensaheng hindi ka kaibig-ibig, mas malamang kang makaramdam ng pagtanggi sa palibot mo. O, kung sinasabi ng iyong kuwento na mahalaga ka lamang kapag matagumpay ka, maaari mong ituring ang buhay na isang paligsahan, salit-salitang mataas at mababa ang emosyon batay sa iyong pinakahuling ginagawa.


. Ang mga kwentong ito, o mga salaysay, ay may hindi kapani-paniwalang kapangyarihan at kayang hubugin ang halos lahat sa ating buhay. Alam ng Diyos ito tungkol sa atin. Isa sa pangunahing paraang ginagawa Niya ang pagbabago ay sa pagpapapalit ng ating lumang kuwento sa isang bago.


Sa kanyang liham sa mga taga-Efeso, nagsimula si Pablo sa paglalarawan ng isang bagong salaysay na naglalarawan ng kung ano ang totoo tungkol sa mga tagasunod ni Jesus. Binalangkas niya ang isang bagong paraang tanawin ang kanilang sarili—ang paraang tinatanaw sila ng Diyos. Ipinabatid ni Pablo ang ginawa ng Diyos para sa kanila. Tinulungan niya silang maunawaan kung ano ngayon ang totoo sa kanila dahil sa ginawa ng Diyos. At lahat ng mga bagay na ito ay totoo rin patungkol sa atin. Ang mga ito ay totoo kahit pa pakiramdam nating hindi sila totoo. Sila ay totoo kahit wala kang ginawa para matamo ang mga ito. Totoo ang mga ito dahil sinabi ng Diyos.


PAGNINILAY:

Maglaan ng panahong gumawa ng isang listahan ng lahat ng mga bagay na sinasabi ng talatang ito na totoo tungkol sa iyo bilang isang tagasunod ni Jesus. Huwag magmadali, at bagkus ay dahan-dahanin upang maunawaan ang nakasulat. Ano ang isa o dalawang katotohanan na ntumatawag ng iyong pansin? Anong mga katotohanan ang gusto mong mas pang maisapuso? Isulat ang mga ito sa isang sticky note o indeks kard at ilagay ito sa isang lugar na makikita mo nang mapaalalahanan ka araw-araw. 


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org