Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 6 NG 15

PANALANGIN:

O Diyos, tulungan akong manatiling konektado sa Iyo ngayon. 


PAGBASA:

Madaling magkamali sa pagbabasa ng mga bersikulong ito sa Mga Taga-Galacia. Madalas napagkakamalian ang mga itong “mga bunga” ng Espiritu. Tila ito isang listahan ng iba't ibang di konektadong mga katangiang makikita sa buhay ng isang tagasunod ni Jesus. Ngunit hindi sinasabi ni Jesus ang “mga bunga;” espesipiko niyang sinasabi ang “bunga.” Pang-isahan ang salitang ginagamit niya. Kaya't, ano ang sinasabi ni Pablo rito?


Nangaral ang ikalabing walong siglong teologong si Jonathan Edwards patungkol sa ideyang ito, at sabi niya, “… Nakikitang ang lahat ng grasya ng Cristianismo ay (concatenated) magkakasama at magkarugtong, konektado at nakasalalay sa isa't isa.”


Ang “concatenated” ay isang nakatuwaang, ikalabing walong siglong paraan ng pagsasabi ng “lahat ng grasya ng Cristianismo” ay nakakadena o pinagsama-sama. Ibig sabihin nito hindi tayo maaaring lumago sa isa o dalawang bahagi lang at pabayaan ang ibang bahagi. Kung ito ay tunay na paglagong espirituwal, ang lahat ng mga katangiang ito ay lalagong sabay-sabay. 


Mahalaga itong maunawaan; kasi kung hindi, madali itong mapagkamaliang listahan ng dapat gawin— o listahan ng “dapat maging”. Mararamdaman natin ang pasaning makitaan ng mga katangiang ito sa pamamagitan ng sariling kapangyarihan, pasya at pagsisikap. Base sa ating mga ugali at personalidad, ang ilan sa mga katangiang ito ay madaling makamtan. Ngunit ang iba ay tila imposible—at may tuksong akalain nating hindi interesado ang Diyos na baguhin ang mga bahagi nating iyon.


Ngunit kung ang pinag-uusapan natin ay bunga, hindi mga bunga, may balanse sa ating paglago. Hindi ka maaaring magkaroon ng kagalakan nang walang pag-ibig, kapayapaan nang walang kahinahunan, kabutihan nang walang pagpipigil sa sarili—tiyakang hindi sa pangmatagalang paraang ninanais ng Diyos ang mga grasyang ito sa iyong buhay. Lahat ng mga ito ay konektado at lumalagong magkakasama. Hindi sila magkakahiwalay na mga bunga, kundi iba't ibang aspeto ng iisang bunga, ang bungang lumalago tanging sa kapangyarihan ng Diyos kapag tayo'y namumuhay nang nakakonekta sa Kanya.


Kaya't, huwag panghinaan ng loob kung wala pa sa'yo ang mga katangiang ito—hindi ito isang listahan ng dapat mong gawin. Binibigyan ka ng Diyos ng isang silip sa trabahong desidido Siyang gawin sa buhay mo habang naglalakad kang kasama Niya. 


PAGNINILAY

Ang bunga ng Espiritu ay lumalago sa pamamagitan ng pananatili sa pinagmumulan, ang mismong puno, na si Jesus. Habang pinag-iisipan mo ang larawang ito, ano ang kasaluluyang kalagayan ng lupa ng iyong puso? Ito ba ay tuyo o may sapat na tubig? Madaling bungkalin o siksik? May iba pa bang nakatanim doon na nakikipaglaban kay Jesus na maganap ang Kanyang kaparaanan sa iyong buhay?


Imbitahan ang Diyos na kumilos sa iyong puso sa sariwang paraan at hingin sa Kanyang ipakita sa'yo kung paanong manatiling palaging nakaugat at nakadepende sa Kanyang pag-ibig.


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org