Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 11 NG 15

PANALANGIN:

Oh Diyos, salamat sapagkat Kayo ang unang umibig sa akin. Turuan akong mahalin ang iba nang mabuti. 


PAGBASA:

Noong 1917, isang paring nagngangalang Edward Flanagan ang nagbukas ng isang tahanan para matulungan ang mga batang lalaking pinakanangangailangan at walang kalaban-laban sa Omaha, Nebraska. Ang ampunan ay naging tuluyan ng mga walang matirahan, mga batang lalaking may rekord ng krimen, at mga may kapansanan. Isa sa mga batang iyon, si Howard Loomis, ay may polio at nakasuot ng mabibigat na braces sa kanyang mga binti. Isang araw, nakita ni Father Flanagan ang isang nakatatandang lalaking binubuhat si Howard pataas ng hagdanan. Napansin ni Father Flanagan ang kabutihang ito at tinanong siya ng, “Hindi ba siya mabigat?” At sinagot siya nito ng, “Di siya mabigat, Father… kapatid ko 'to.”


Napakagandang larawan ito ng “mangagbatahan kayo-kayo." Ang salitang isinaling “mangagbatahan kayo-kayo” sa siping ito ng ABTAG, ay nagangahulugan din ng “itaas.” Hatid nito sa ating isipan ang imahen ng pagbubuhat o pagkarga sa isang tao. Tulad ng batang lalaking nagbuhat kay Howard pataas ng hagdanan, ito ay larawan ng pag-ibig.


Masasabi nating ang mahalin ang isang tao ay ang buksan ang sarili natin sa paghihirap. Ang kalungkutan nila ay nagiging atin. Isa itong kadahilanang madalas tayong urong-sulong at nag-aalinlangang magmahal. Maaaring napakahirap sa ating buksan ang ating mga sarili sa isang relasyong maaaring humingi sa atin ng mahirap na bagay para sa atin o isang bagay na nakakaabala. 


Ngunit ito ang ipinagagawa sa atin ng Diyos para sa ating kapwa bilang isang komunidad ng mga tagasunod ni Jesus. Tinatawagan Niya tayong magmahalan sa paraang may halaga para sa atin. Hindi tayo hinihingan ng Diyos na gawin ang anumang hindi muna Niya ginawa. Hindi ipinagkait ng Diyos ang puso Niya sa atin. Bukas-palad Niya itong inilaan sa atin. Ibinigkis ni Jesus ang puso Niya sa ating puso. Ang ating paghihirap ay ginawa Niyang Kanyang paghihirap. Ang ating sakit ay ginawa Niyang Kanyang sakit. At hinihingi Niyang gawin natin ang natutulad sa iba. Bahagi ito ng larawan ng “kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag.” 


PAGNINILAY:

Balik-tanawin ang iyong buhay. Mayroon na bang nagmahal sa 'yo sa paraang natutulad na walang-pasubali at napakataas ng halagang tulad ng ginawa ni Jesus? Kung kaya mong abutin ang taong naisip, planuhing makasama sila itong linggo o sa susunod—magkapeng magkasama o tumawag sa Zoom. Magkita at ipaalam sa kanilang napakalaking bagay sa buhay mo ang pasya nilang gawin ang “mangagbatahan kayo-kayo". 

At isipin ang sarili mong may kasamang nakaupo ilang taon sa hinaharap na nagsasabi ng kapareho sa iyo.  

Hingin sa Banal na Espiritu na bigyan ka ng Kanyang mga mata at puso para sa tao. Hingin na makita mo sila sa paraang nakikita Niya sila at tumugon sa paraang Siya ay tumutugon.


Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org