Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 12 NG 15

PANALANGIN:

Oh Diyos, bigyan ako ng mga matang nakikita ang mundo nang tulad Ninyo at makita ang ibang tao nang tulad Ninyo. 



PAGBASA
:

Kung ikaw ay magulang, o, di kaya'y minsang naging bata, malamang sa hinding may karanasan ka sa pagtitimpla ng tsokolateng gatas. Kaya nga, alam mong kapag hinalo mo ang puting gatas at naging kulay kape ito, hindi ito mahika. Ito'y dahil mayroon nang tsokolateng nasa kailaliman ng baso. Ang lahat ng kinailangan upang maging tsokolateng gatas ang gatas ay naroon na, ngunit kailangan itong haluin upang mangyari ang pagbabago.


Sinasabi ng may-akda ng Mga Hebreo na may kaparehong nagaganap sa buhay ng isang tagasunod ni Jesus. Nasa atin na ang potensyal at kapangyarihan para sa dakilang “pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.” Ngunit sa ilang pagkakataon ang potensyal na ito ay hindi nagiging aktibo. Ito'y nasa kailaliman at hindi kumikilos sa mundo kung saan kailangang-kailangan ito. Kailangan ng isang tao, o maaring ilang mga taong dumating para pukawin ito. 


Ito'y isa sa pinakamahalagang regalong maibibigay ng mga tagasunod ni Jesus sa isa't isa. Maaari silang maging mga tagayugyog, na hindi papayagang ang pagmamahal ay manatiling nakatago sa ating buhay. Maaari nilang samahan ang isa't isa na gisingin ang damdamin ng bawat isa na kumilos sa diwa ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob, kahandaang maging bukas, at pagbibigay ng suporta.


Kailangan nating bigyang-prayoridad ang ganitong mga uri ng relasyon sa ating mga buhay. At kailangan nating pahintulutan ang ibang sabihin sa atin ang katotohanan, kahit mahirap marinig—kahit nakababagabag ng damdamin. Makikita natin na ang kaunting pagyugyog ang mismong kailangan natin upang matuklasan ang buhay ng mas ibayong pagmamahal at layunin.


PAGNINILAY:

Ang pagbibigay-prayoridad sa mga makabubuting relasyon na lilinang sa atin ay kinakailangan ng pagkukusa at kahandaang maging lantad sa iba. Isaalang-alang nang may panalangin ang mga tao sa iyong buhay—sa pamilya, mga kaibigan, mga katrabaho. Sa kanino ka pinakapanatag? Maaaring ang pinakanakakapanatag na mga tao ay hindi ang pinakamalalapit sa 'yo, ngunit nais mong mas mapalapit dahil makabubuti sila sa 'yo. Paano mo magagawang bigyan ang mga taong ito ng pahintulot na mangusap ng katotohanan sa iyong buhay sa mas malalim na paraan? Pag-isipang anyayahan silang mas mapalapit sa 'yo at kilalanin ka sa totoo mong pagkatao, kasama pati iyong mga kahinaan. 


Hingin sa Banal na Espiritu na tukuyin ang mga taong nais Niyang hilahing palapit sa buhay mo. At pagkatapos ay abutin sila.


Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org