Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 10 NG 15

PANALANGIN:

Oh Diyos, nais kong makita Kayo ngayon nang kung sino Kayo talaga. Tulungan Ninyo akong magkaroon ng tamang pananaw ng kung sino Kayo.


PAGBASA:

Sandali! Alam ko kung ano ang iniisip mo—Nabasa ko na ito kahapon di ba? Ngunit may dalawang talagang malalaking ideya sa mga bersikulong ito, kaya hinati ang mga ito sa dalawang araw. Ang kahapon ay tungkol sa pagsusumikap sa ginawa ng Diyos sa iyo. Ngayon ay tungkol sa bahagi ng lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos sa ating espirituwal na paglago.


Bagama't maaaring hindi tayo maging komportable sa ideyang iyan, sinasabi sa atin ni Pablo ang "Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos." May posibilidad nating isantabi ang ganyang bagay sa ating kultura, sa pag-iisip na ito'y makalumang relihiyon. Ayaw nating isipin ang Diyos na isang dapat katakutan, di ba? Paano naman ito makakatulong?


Kung gayon, isipin na nasa tabing-dagat ka kasama ang isang bata. Magandang ideya bang ituro na lang ang karagatan at sabihing, "Magsaya ka, hihiga ako dito at iidlip?" Syempre hindi! Iyan ay magiging napakairesponsable, tama ba? Sasamahan mo ang bata na hawak ang kanyang kamay hanggang sa kung saan hinahampas ng mga alon ang dalampasigan. Ipapakita mo sa kanila kung gaano kalakas ang mga alon at sasabihin sa kanila ang tungkol sa paghila ng mga alon. Gusto mong magkaroon sila ng maayos na antas ng respeto sa karagatan dahil ito'y lubos na mas malaki at mas malakas kaysa sa kanila. Hindi mo gugustuhing tumakbo sila nang walang anumang ideya kung ano talaga ang kanilang kinakaharap, tama ba? Sa kabilang banda, ayaw mo namang yakapin nila ang kahoy ng daungan sa sobrang takot sa karagatan. Ipapakita mo sa kanila kung paano maglaro, mag-tampisaw, at magsaya sa mga alon dahil iyon ang buong punto ng pagpunta sa tabing-dagat. Pagdating sa isang bagay na kasing lakas ng karagatan, may naaangkop na balanse sa pagitan ng pagmamahal at paggalang.


Sa parehong paraan, kapag ang Biblia ay nagsasalita tungkol sa paggalang sa Diyos, ang punto ay hindi na dapat tayong matakot sa Diyos. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng mataas na respeto sa katotohanang ang Diyos ay mas malaki at mas makapangyarihan kaysa sa kaya nating mauunawaan. Ito ay tungkol sa pagkilala na kapag tayo ay lumalapit sa Diyos, hindi tayo ang masusunod. Siya ay higit sa ating kontrol o pagmamanipula—Siya ang makapangyarihang Maylalang ng sansinukob! Hindi natin Siya maipagkakasya sa ating bulsa at dalhin Siya na isang anting-anting na pampasuwerte. 


Ngunit ang kaalamang ito ay hindi dapat humila sa atin palayo sa Diyos. Sa katunayan, ang kabaligtaran ang totoo. Kapag natuklasan natin ang isang malakas na “paggalang” sa Diyos, mas malamang na hindi nating balewalain ang pag-ibig Niya. Pinalalakas nito ang ating pagkamangha at inilalapit tayo sa Kanya.


PAGNINILAY:

Ang isang mahalagang bahagi ng kaugnayan sa Diyos ay ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa kung sino Siya. Madali para sa atin na maging napakapamilyar sa Diyos bilang isang matalik na kaibigan na makalimutan natin kung gaano Siya kadakila. 


Narito ang ilang mga katanungan upang pagnilay-nilayan…


Masyado bang maliit ang pananaw mo sa Diyos? Ano ang kinahinatnan ng limitadong pananaw na iyan? Sa anong mga aspeto sa palagay mong nabalewala mo ang pag-ibig ng Diyos? 


Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng isang malakas at kapaki-pakinabang na "paggalang" sa Kanya at makita Siya na sa katunaya'y napakadakila at makapangyarihang Diyos. Pagkatapos ay pasalamatan Siya para sa napakalaking pag-ibig na nagbunsod sa Kanya upang isantabi ang lahat ng kapangyarihang iyon at magdusa ng kamatayan sa krus upang matanggap ka Niya sa isang relasyon na kasama Siya. 


Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org