Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 13 NG 15

PANALANGIN:

O Diyos, nais kong pagpalain ang iba dahil pinagpala Mo ako. Ipakita kung paano ko ito magagawa ngayon at bigyan ako ng lakas ng loob na gawin ito.


PAGBASA:

Isipin kung ikaw ay nag-iiskrol sa iyong social media feed at masumpungan ang isang post na talagang nagpapaalab sa'yo. Pinapakita nito ang isang bagay na talagang napakamali sa mundo at napupukaw ang iyong pusong makialam at kumilos. Kaya't, ibabahagi mo ang post, dadagdagan ng ilan mong salitang nagpapakitang galit ka dahil walang nagmamalasakit na gumawa ng anumang bagay patungkol dito. At matapos… itutuloy mo ang buhay mo na mas magaan ang pakiramdam tungkol sa sarili dahil nakialam ka. Wala kang pinuntahan. Wala ka namang talagang nakausap. Wala ka namang talagang ginawa. Ngunit pakiramdam mo mayroon. 


Pamilyar ba? Ang ganitong pakikipag-ugnay ay mayroon nang pangalan. Ito'y tinatawag na “slacktivism” at opisyal itong nasa diksiyonaryong Ingles. Ito'y isang shortcut—at hadlang— sa kagustuhan nating talagang mapabuti ang mundo. Hindi sinasabing ang pagbabahagi ng mahahalagang ideya at mga artikulo ay walang saysay. Ngunit ang pagbabahagi ng impormasyon ay isa lang hakbang sa mas malaking lakbayin. At kung nasisiyahan na tayo sa ganitong pakikipag-ugnay bago pa man tayo talagang makipag-ugnayan, mawawala sa atin ang mahalagang bahagi ng nais gawin ng Diyos sa atin at sa pamamagitan natin. Parang itong pagpunta sa paborito mong Italianong restawran at pagpapakabusog sa mga pampaganang tinapay bago pa man dumating ang pinakaputahe. Mawawala sa'yo ang putaheng talagang ninanais mo. 


Tinatawagan tayo ng Diyos na maging labis na higit pa sa mga “slacktibista.” Sa mga bersikulo sa taas, mula sa aklat ng Genesis, si Abram (na di-nagtagal ay papalitan ang pangalan sa Abraham) ay sinabihan ng Diyos na siya'y pagpapalain, ngunit kaagad ding sinabihang siya ay “magiging pagpapala.” Ito'y isang kaloob na may layuning kalakip. Pinagpala ng Diyos si Abram, nang mapagpala niya ang iba. 


Nagpapatuloy rin ang temang ito sa Bagong Tipan. Tinalakay ni Pablo ang temang ito sa 2 Mga Taga-Corinto 1:3–7. Sinulat niya na naghahatid ng kaaliwan ang Diyos, at bahagi ng dahilan nito ay, upang mabigyan natin ng kaaliwan ang iba. Sa ating kasalukuyang kultura nariyan ang tuksong baguhin ang mga sinulat ni Pablo, na tila ang sasabihin ay, “Ikaw ay binigyang-kaaliwan ng Diyos upang makapag-share ka ng post patungkol sa maraming tao sa mundong nagangailangan ng kaaliwan at nang malaman ng iba ang iyong pagkadismayado na wala silang pakialam.”


Huwag kang mahulog sa patibong. Hindi sapat ang "i-retweet” ang pagkasuklam ng ibang tao sa mali. Tinatawagan tayo ng Diyos na maging bahagi ng solusyon, na mas mahirap gawin at magulo ngunit talagang mas sulit ang matatamong ganti. 


Kung nanampalataya ka sa Diyos na hindi nag-atubiling marumihan ang Kanyang mga kamay, at maging duguan pa upang habulin ka, waring makatuwiran na hihingan tayong gawin ang natutulad para sa iba. 


Sa pamamagitan ni Jesus, napakaraming pagpapala ang binigay sa atin ng Diyos, ngunit binigyan din Niya tayo ng katawagan at layunin—na pagpalain ang mundo. Tayo ay tinatawagang bukas-palad na ibuhos ang ating panahon, yaman, at lakas upang makipagtulungan sa Diyos sa paghahatid ng paggaling at pagbabago sa ating sirang mundo. Tayo'y pinagpala nang mapagpala natin ang iba at binago nang makapaghatid ng pagbabago.


PAGNINILAY:

Posibleng ang buhay mo ang tanging nakapagbibigay-buhay na mensahe tungkol kay Jesus na maririnig ng isang tao. Ano ang sinasabi ng buhay mo na mahalaga sa'yo? Ano ang sinasabi ng buhay mo na mahalaga sa Diyos? 


Gumugol ng panahon ngayong itala ang iyong mga tugon sa mga tanong sa taas. Ano ang mahalaga sa'yo? Hingin sa Diyos na ilantad ang mga bahagi ng puso mong humahadlang na masalamin mo ang tunay mong pinahahalagahan. 


Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org