Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 2 NG 15

PANALANGIN:

O Diyos, salamat sa pagbibigay sa akin ng bagong pagkakilanlan bilang iyong anak na lalaki o babae. Ituro sa akin ang ibig sabihin nito ngayon.


PAGBASA:

Maraming tao ang nagsisimula ng kanilang lakbaying espirituwal dahil nararanasan nila ang nakakainis at kadalasa'y masasakit na mga konsikuwensya ng kanilang mga pasya at kaugalian. Sa paghahangad ng pagbabago, pupunta sila sa simbahan o magpapasyang sumali sa isang grupo. Walang masama sa paghahangad ng pagbabago. Sa katunayan, iyan mismo ang ninanais ng Diyos para sa iyo. 


Ngunit ang panimulang punto ng proseso para sa Kanya ay kadalasa'y iba ng sa atin.


Kadalasa'y nais natin ang pinakamabilis na daan tungo sa pagbabago, kaya't nauuwi tayo sa pagtuon sa mga kaugaliang nais nating maiba. Sinisikap nating magbago sa pamamagitan ng sariling lakas at determinasyon. Maaari tayong madala nito sa paulit-ulit na pagkayamot at kahihiyan. Bakit? Dahil ang problema natin ay mas malalim kaysa ating mga kaugalian.


Isipin kung may makita kang higanteng domino na malapit nang mahulog, at nakikita mong masama ang magiging mga konsikuwensya nito. Nagmamadali ka at buong lakas at enerhiya mong susubukang pigilang mahulog ang domino. Matagumpay mong mapipigilan ang pagkahulog nito ngunit paglingon mo makikita mo na malapit na naman itong mahulog. Paulit-ulit mo itong gagawin, minsa'y mabibigo at minsa'y magtatagumpay. Ngunit ang mga tagumpay ay hindi magtatagal. Pagkatapos hihilingan ka ng isang taong humakbang palayo sa nakapapagod na trabahong iyan at tanawin ang sitwasyon mula sa kinatatayuan nila. Sa sandaling umatras ka, kaya mong makita ang domino mula sa ibang anggulo at mapapagtantong ito pala ang huling domino sa mahabang linya ng mga domino, kung saan ang bawat isa ay nahuhulog sa kasunod, hanggang sa umabot sa kahuli-hulihan. Ang bagong perspektibong ito ang tutulong sa iyong makita na kung nais mo talagang mapigilang mahulog ang kahuli-hulihang domino, kailangan mong umatras nang labis na mas malayo pa.


Alam ng Diyos na ang ating mga ginagawa ay nagmumula sa ating pagkakilanlan. Kaya't, ang Kanyang proseso ng pagbabago ay nagsisimula sa pagbibigay sa atin ng bagong pagkakilanlan bilang anak na lalaki o anak na babae ng Diyos, na minamahal at mahalaga sa Kanyang mga mata. Ang tunay na pagbabago ay kailangang magsimula sa pundasyon na ating puso at mula roon ay maghatid ng pagbabago sa ating mga kaugalian. 


Maaaring nakapanghihina ng loob na mapagtantong ang ating problema ay nauugat nang mas malalim kaysa ating inaakala, ngunit nakapagpapalakas naman ng loob na malamang ang Diyos ang gumagawa ng kailangang gawin sa pundasyon para sa atin. Siya ay desididong isakatuparan ang pagbabagong pinasimulan Niya.


PAGNINILAY:

Gumugol ng panahong lumayo at maging tahimik sa harap ng Diyos. Walang gambala. Walang mga domino. Maaaring medyo matagalan hangga't umabot ka sa puntong talagang matahimik at payapa sa panloob. Magtiyaga; diyan ka lang. Habang napapanatag sa katahimikan, hilingin sa Diyos ang mas malalim na kamalayan ng Kanyang presensya. Hilingan Siyang ipakita ang mga bahagi ng puso mo kung saan nais Niyang gumawa at gawing bago.


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org