Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa

Love Remains Holy Week

ARAW 4 NG 8

Pagkatapos magkasundong magpakasal ang magkasintahan, isa sa mga unang gustong mapag-alaman o makita ng mga tao ay ang singsing. Isang simbolo ng pangako at paggiliw - isang simbolo ng pag-ibig. Kadalasan, ang simbolo na ito ay sa malaking gastos sa nagbibigay nito, maaaring ilang buwang pagsasakripisyo — pagtanggi sa panonood ng sineng kasama ang mga kaibigan, sa kombinyenteng pag-oorder ng pagkain o kahit na sa mga hindi planadong pagbili. At kahit na hindi madali ang sakripisyo, sulit ito kapag dumating ang sandali, naitanong ang tanong at ang sagot ay oo. 

Noong gabi bago ipagkanulo si Jesus, isang babae ang dumating sa tahanang Kanyang binibisita. Dala niya ang isang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango. Ngunit imbes na ilagay ang sisidlan nang maayos sa mesa, ginawa niya ang hindi inaasahan. Ibinuhos niya ito, lahat nito, sa mga paa ni Jesus. 

Galit na galit, sumigaw ang mga alagad, “Bakit inaksaya ang pabango? Napagbili sana iyon sa malaking halaga at naibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” At hindi naman sila mali. Subalit, ang babae ay hindi nagdala ng regalo para ibigay sa iba. Siya ay nagdala ng regalo para kay Jesus, upang ipakita sa Kanya ang kanyang pagmamahal, at wala siyang pakialam sa gastos. 

ikaw naman? Sa anong mga paraan ka nakatanggap ng pag-ibig na may sakripisyo? Sa anong mga paraan mo ito naibigay?

Basahin muli ang Mateo 26: 6-19 at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo sa panahong ito.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Love Remains Holy Week

Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang World Relief sa pagbibigay ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.worldrelief.org