Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa
Pagdiriwang. Pag-asa. Pag-asam. Kapayapaan. Katiyakan—lahat ng ito'y malamang na emosyon ng mga naghahagis ng kanilang mga sanga ng palmera sa maalikabok na daan habang sumisigaw sa tuwa at saya. At tama sila sa kanilang kasiyahan kay Jesus. Sa gitna ng pang-aaping Romano, ang Kanyang pagdating ay nagdala ng pagdiriwang at katiyakan ng naiibang kinabukasan.
Malamang naiiba ang pakiramdam ngayong Linggo ng Palaspas habang nagtitipon kayo sa mga screen ng computer at masayang birtuwal na nakakasama ang iba. Maaaring ang pagdiriwang sa taong ito ay tila may takot o banta ng kawalan ng katiyakan. At ok lang iyan. Ang Linggo ng Palaspas ay nagpapaalala sa atin na kahit sa gitna ng kawalang-pagkapalagay, sa gitna ng lahat ng iyong nararamdaman, si Jesus ay Hari pa rin. Siya ay nagdadala pa rin ng pag-asa; Siya ay nagdadala pa rin ng kapayapaan; at Siya ay nagmamahal pa rin sa atin nang higit sa pinangangahasan nating isipin. Nawa'y makahanap ka ng kapahingahan sa katotohanang iyan ngayon at sa linggong ito!
Basahin muli ang Lucas 19:37-39, at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.
More