Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa

Love Remains Holy Week

ARAW 6 NG 8

Si Jesus ay naaresto. Ang isang tao na inaasam ng isang bansa na magdadala ng kalayaan mula sa pang-aapi kung saan sila nabuhay, ay inusisa, binugbog, nilitis, at hinatulan ng kamatayan 

Ano kaya ang naramdaman ng kaniyang mga alagad? Ang buhay gaya ng alam nila ay biglang nagbago, nakakagulat. Ang kanilang pag-asa ng pisikal na paglaya ay nasira. At para ano? Nakita nila ang mga himala at naniwala na si Jesus ay anak ng Diyos, kaya paano ito nangyayari? Hindi ba Niya sila ililigtas? Hindi kaya napigilan ni Jesus ang lahat ng ito? 

Oo. Maaaring kaya Niya. Kung gayon, bakit hindi? 

Sapagkat si Jesus ay umibig nang walang pag-iimbot.  Ang hindi maaaring malaman o maunawaan ng mga disipulo noong panahong iyon ay ang pisikal na pagkilos na ito ng kamatayan - ang pagsuko ng sariling buhay - ang nagbukas ng pinto sa isang bagay na mas dakila. Ito ay isang paanyaya para sa atin na ialay ang ating mga buhay, mga agenda, at mga egos, para sa kapakanan ng iba at ang pagkakataon sa totoong buhay.  

Basahin ang Lucas 22:66-23:56 at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo sa panahong ito? 

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Love Remains Holy Week

Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang World Relief sa pagbibigay ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.worldrelief.org