Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa

Love Remains Holy Week

ARAW 2 NG 8

Nakakabigla. Ang unang kuwentong ibinahagi sa atin ni Mateo pagkatapos ng matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem ay nakakabigla. Tulad ng maraming beses noon, pumunta si Jesus sa mga patyo ng templo upang magturo. Subalit, sa pagpasok sa mga patyo ng templo sa partikular na umagang ito, Siya ay nalungkot at nagalit sa Kanyang nakita. Ang nilayong isang lugar ng pagsamba ay ngayo'y isang mataong palengke na; ang pook na puntahan ng mga tao upang makipagkita sa Diyos ay ngayo'y puno ng mga hiyaw ng mga nangangalakal. 

Ang sakit sa pusong nadama dahil nalihis ang paningin ng mga tao, na hindi na tuloy nila maranasan ang presensya ng Diyos, ay hindi nakayanan ni Jesus. Sinimulan Niyang pagtataubin ang kanilang mga mesa, pagtatabuyin ang mga namamalit ng salapi at mga nagbebenta ng mga "relihiyosong" kalakal. Ang Kanyang mga aksyon ay nakakabigla, ngunit ang pagkalihis ng paningin ng mga tao ay natigil. 

Lumapit sa Kanya ang mga bulag at pilay sa templo, at pinagaling Niya sila. 

Si Jesus ay nanggulo upang maunawaan at maranasan ng mga tao ang pag-ibig ng Diyos.

Ang pag-ibig ng Diyos ay nakakagulo. Sinisira nito ang mga bagay na inaakala nating magliligtas sa atin ngunit sa totoo'y sinisira tayo.

Basahin muli ang Mateo 21: 12-17, at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Love Remains Holy Week

Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang World Relief sa pagbibigay ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.worldrelief.org