Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa
Hematidrosis: isang bihirang kondisyong medikal na dulot ng matinding pagkabalisa o takot na nagiging sanhi ng pag-agos ng dugo mula sa iyong balat kahit hindi ka nahiwa o nasugatan. Ilang oras bago ipinako si Jesus sa krus, makikita natin ang gayong paghihirap—batid na may pisikal na sakit na darating, ang bigat ng pagdadala ng mga kasalanan ng mundo, at ang emosyonal na sakit ng pagkahiwalay sa Diyos ay naging dahilan ng pagpawis Niya ng dugo..
Gayunpaman pag-ibig.
Si Jesus ay hindi sumuko sa takot. Hindi Siya tumakas sa gawaing nasa harapan Niya. Sa halip, tiniis niya ang gabi. At para saan? Pag-ibig. Ang Kanyang pag-ibig sa Diyos at ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay napakatindi, nagtiis si Jesus para matupad ang pag-ibig.
Basahin muli ang Lucas 22:39-45, at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo sa panahong ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.
More