Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa
Ginugol ni Jesus ang karamihan sa Kanyang mga huling araw sa pagtuturo sa mga nakapaligid sa Kanya. Isang partikular na pag-uusap ang naganap nang ang mga pinuno ng relihiyon at mga dalubhasa sa Kautusan ay nagtanong kay Jesus ng isang tanong tungkol sa Kautusan.
Ang tanong: Alin ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?
Ang sagot: Pag-ibig. “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.... Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
Isipin kung ano ang kahulugan ng umibig sa isang tao nang buong puso, kaluluwa, at lakas. Magkakaroon ba ito ng panlabas na ekspresyon? Isang materyal na alay? Ang ating pinakadakilang larawan ng pag-ibig ay yaong matatagpuan sa Banal na Kasulatan. Ang Diyos na iyon, na gayon na lamang ang pag-ibig sa atin, ay hindi ipinagkait ang Kanyang sariling anak. At si Jesus, na labis na nagmamahal sa atin, ay nag-alay ng Kanyang buhay upang tayo ay mabuhay.
Ano kaya ang mangyayari sa ating mga pamilya, mga relasyon, komunidad, at mundo kung mabubuhay tayo sa ganyang uri ng pagmamahal? Paano tayo makapagmamahal, kahit ngayon, na literal na napipilitang maghiwa-hiwalay?
Basahin muli ang Mateo 22: 34-40 at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.
More