Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 7 NG 7

Dahil Sinabi Sa Akin ng Biblia 

Bilang Cristiano, pinili natin ang Biblia bilang isang hindi nagbabagong pamantayan sa lahat ng ating ginagawa at pinaniniwalaan dahil ginawa rin ito ni Jesus. Dapat nating basahin at sundin ang Salita Ng Diyos upang maunawaan ang ating pagkakakilanlan kay Cristo. Sinabi ni Jesus na ang bawat salita sa Banal na Kasulatan ay nakapirmi sa sansinukob—higit pa sa planetang nilalakaran natin. Mas madali pang maglaho ang langit at ang lupa kaysa mawalan ng bisa ang kahit isang tuldok ng Kautusan. (Lucas 16:17)

Binibigyan tayo ng Salita ng Diyos ng tibay, sigla, at pag-asa habang sumusunod tayo kay Jesus sa isang tiwaling mundo. Habang sinusunod mo si Jesus at hinahayaang pagbutihin ka ng Salita ng Diyos, babaguhin ka nito upang ikaw ay makakilos sa lahat ng bahagi ng iyong buhay: sa iyong mga relasyon, mga iniisip, mga gawi, at mga pinipili. 

Sa isang mundong yumayanig, nagbabago, mapanganib, at nakakabagabag, nais ng Diyos na gawin kang matatag. Higit pa riyan, may mga mabubuting gawaing inilaan ang Diyos para gawin mo. Nais ng Diyos na gawin kang masagana. Nais Niyang gawin kang liwanag sa dilim. Gagamitin ka ng Diyos sa iyong paligid at sa iyong buhay. Gagawin Niya ito habang isinusuko mo ang iyong sarili sa Salita ng Diyos at hinahayaan itong pagbutihin at pagalingin ka.

Ang bawat isa sa atin ay patuloy na hinuhubog. Kapag may nakita kang isang bahagi ng iyong buhay na malayo sa kung saan ninanais mo o ninanais ng Diyos na naroon ka, huwag mawalan ng pag-asa. Kapag may mga bagong pagkakasala sa iyong puso o mga pangit na bagay sa iyong buhay, huwag malumbay. Ang bawat proyekto ng panunumbalik sa dati ay isang patuloy na gawain, at ang bawat tagasunod ni Jesus ay isang patuloy na gawain.

Ang Salita ng Diyos ay para ring isang mapa. Ito ang napansin ko sa mga mapa. Papel na mapa man o isang app ang gamit mo, pinagkakatiwalaan mo ang mga taong gumawa ng mapa o ng app. At ganoon din pagdating sa Salita ng Diyos. May mga oras na iniisip natin, gusto ko talaga pumunta sa kanan, ngunit ang salita ng Diyos ay nagsasabing dapat ako pumunta sa kaliwa. Maaari mong pagkatiwalaan ang salita ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. 

Ang Cristianismo at ang mga esensyal na ating tinitingnan mula sa liriko ng Jesus Loves Me ay ang pagkakaiba sa ating mga buhay at sa mundo. Habang binabago ng Diyos ang iyong pag-iisip, sa pamamagitan ng iyong pagsunod at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ikaw ay magsisimulang mabuhay mula sa iyong tunay na disenyo at mararanasan ang katuparan ng layunin na binalak ng Diyos para sa iyo.


Mayroon ka bang palagiang pagbasa ng Salita ng Diyos? Gawin mong pangako iyan ngayon. 

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847