Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 5 NG 7

Ako

Nakatutuwang isipin ang sangkatauhan mula sa pananaw ng Diyos—daan-daang milyong tao at bawat isa ay gumagawa ng libu-libong mga pagpipilian araw-araw. Nakikita ng Diyos ang mga pagpatay. Nakikita Niya ang mga bentahan ng droga. Nakikita Niya ang buntis na ina na humihithit ng crack cocaine, na sumisira sa kanyang sanggol. Nakikita Niya na sinisira ng mga mapang-abusong asawa at ama ang mismong mga taong idinisenyo upang protektahan nila. Nakikita Niya ang mga digmaan at ang rasismo, ang pagkapanatiko, at ang kawalang-katarungan.

Kasabay nito, araw-araw, nakikita ng Diyos ang milyun-milyong mabubuting ina na kinakandong ang kanilang mga sanggol, na umaaliw sa kanila sa gabi. Nakikita Niya ang mapagmahal na ama na nagtuturo sa kanilang mga anak na babae na sumakay ng bisikleta. Nakikita Niya ang mga bayaning nagsasakripisyo ng kanilang buhay at kaginhawaan para iligtas ang ibang tao.

Kapag nakita ng Diyos ang buong kaguluhang ito ng sangkatauhan—ang mabuti at masama—ano ang Kanyang nararamdaman? Iminumungkahi ko na ang isang tanong na ito—Paano ako nakikita ng Diyos?— ay sumasagot sa lahat ng pangkalahatang tanong ng tao.

Nakikita ng Diyos ang isang maluwalhating pagkasira na sabik Niyang ibalik sa dating kalagayan.

  • Maluwalhati. Ginawa ka sa larawan ng Diyos. Mayroon kang likas na halaga at dignidad na hindi maaaring alisin ng sinuman sa iyo.
  • Nawasak. Tulad ko at ng bawat iba pang taong makikilala mo, bahagyang nadungisan ka ng kasamaan sa mundong ito.
  • Karapat-dapat sa pagpapanumbalik. Nais ng Diyos na ibalik ka sa iyong orihinal na disenyo. Nais Niyang mamuhay ka nang walang dungis; malaya sa takot sa kamatayan; malaya sa paghihiwalay, sakit, pagkasira, o anumang uri ng kasamaan.

Bawat tao, gaano man ang kapintasan, kasiraan, o kasamaan ay may mga bakas at pahiwatig pa rin ng orihinal na kaluwalhatiang ito na ibinigay ng Diyos sa lahat ng tao.

At kasabay nito, ang bawat tao, gaano man katalino, kaayos ng ugali, o kabuti, ay nabahiran pa rin kahit paano ng kasamaan na nananalasa sa mundong ito at ng kasalanang pinili nating lahat.

Sa Mga Taga-Efeso 2:10, inilalarawan ka ng Diyos bilang Kanyang obra maestra, isang likhang poema; iyon ang salitang Griyego kung saan nakuha natin ang ating salitang "tula." Sa kawalang-hanggan, tayong mga nagtitiwala sa Panginoon na panunumbalikin tayo ay magpapakita ng Kanyang ningning, na nagpapahayag na Siya ay hindi lamang ang pinakamakapangyarihang nilalang sa sansinukob, hindi lamang ang maningning na Manlilikha kundi pati na rin ang sukdulang Manunubos, Siya na nagpapanumbalik mula sa masamang balak na sirain. Ito ay kung sino tayo kay Cristo.


Sa anong bahagi ng iyong buhay ang pinaka-alam mo sa iyong "nasira" na estado? Sa anong bahagi ng iyong buhay mas magagamit mo ang kapangyarihan ng Diyos na “nagpapanumbalik” para gawin kang bago? 

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847