Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 2 NG 7

Ano Ang Mga Esensyal?

Ang mga esensyal ay ang mga mahahalagang turo ni Cristo. Alisin ang isa nito at ang Cristianismo ay babagsak. Ang mga esensyal ay mahalaga dahil kapag ang isa sa mga ito ay nawala sa iyo, mawawala rin ang kapangyarihan ni Cristo na baguhin ka. Kung mawala sa simbahan ang kahit isa sa mga ito, mawawala din ang kapangyarihan ng Diyos na mabago ang mga tao at ang pamayananan. 

Ang Salita ng Diyos ang nagsasabi kung ano itong mga esensyal na ito—ang Banal na Kasulatan ang gulugod ng mga paniniwalang ito. Ang ating pagganyak ay ang pagkilala sa mga mahahalagang paniniwala ng Cristianismo dahil ang digmaan para sa ating mga kaluluwa ay tunay. Ang digmaan ng kabutihan at kasamaan ay pinaglalabanan sa lupain ng mga ideya—ang kalinawan sa iyong mga paniniwala ay maghahanda sa iyo upang makilala ang mga mabubuting ideya mula sa mga nanlilinlang. Dahil tayo ay nagkakaroon ng kapangyarihan at buhay mula kay Cristo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, kailangang ang ating mga paniniwala ay tumpak.

Ang unang linya ng minamahal na kanta na, “Jesus Loves Me,” ay nagpapakita kung ano ang mga esensyal ng Cristianismo:

Jesus / Loves / Me / This I know / For the Bible tells me so.

Ganyan kasimple ang Cristianismo sa kanyang kaibuturan kung alam natin ang ibig sabihin ng mga salitang ito. Isipin mo na lang na ganito:

JESUS—Ang paniniwala ko kay Jesus

Si Jesus ay ganap na Diyos at ganap na tao, ang Mesiyas.

MAHAL (LOVES)—Ang aking paniniwala sa pagmamahal ng Diyos, na pinatunayan sa krus

Si Jesus ay pumarito sa ating mundo para sa isang misyon sa pagliligtas. Siya ay namatay sa krus para sa ating mga kasalanan at muling bumangon galing sa kamatayan.

AKO (ME)Ang paniniwala ko tungkol sa aking sarili

Ang bawat tao ay parehong maluwalhati—at sira. Tayo ay ginawa sa imahe ng Diyos ngunit nakontaminado ng kasalanan. Kung saan tayo ay nadungisan ng kasalanan, kayang ibalik sa dati ni Jesus tayo bilang “bagong likha.”

ITO AY ALAM KO (THIS I KNOW)Ang paniniwala ko para makasigurado sa aking kaligtasan

Hindi natin kayang kitain ang kaligtasan, ngunit dapat nating gamitin ang ating kagustuhan para aminin ang ating pangangailangan (pagsisisi), kilalanin si Jesus bilang Diyos, at maniwala sa Kanyang ginawa sa krus. 

DAHIL SINABI NG BIBLIA SA AKIN (FOR THE BIBLE TELLS ME SO)—Ang paniniwala ko sa pamantayan ng Diyos para sa aking buhay

Pinipili natin ang Biblia bilang pamantayang hindi nagbabago para sa lahat ng ating ginagawa at pinapaniwalaan dahil si Jesus ang ating halimbawa. Dapat tayong magbasa at sumunod sa Salita ng Diyos upang malaman natin ang ating pagkatao kay Cristo.

Sa pamamagitan ng pag-iisip sa limang parirala ng lirikong ito, tayo ay may magandang palatandaan upang paalalahanan tayo ng mga esensyal sa Cristianismo saanman tayo magpunta.


Panalangin: Buksan mo ang aking mga mata at ang aking puso sa paglalakbay na ito. Tulungan Mo akong tandaan ang mga katotohanang ito galing sa Iyong Salita. Nais kong mabago ang aking pag-iisip. Tulungan Mo akong paniwalaan kung ano ang gusto Mong paniwalaan ko. Amen.  

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847