Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 3 NG 7

Jesus—Ganap na Diyos at Ganap na Tao 

Si Jesus ay ganap na Diyos: “Nang pasimula ay naroon na ang Salita [Jesus], ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos” (Juan 1:1). Si Jesus ay ganap na tao: “Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan—maging ito man ay kamatayan sa krus” (Mga Taga-Filipos 2:5–8).

Ang pagkakaroon ng tamang pangunahing paniniwala ay hindi tungkol sa "pagiging tama” kundi tungkol sa “ginagawang tama” sa Diyos. Sa parehong paraan, ang isang plug ng kuryente ay dapat na nakahanay sa saksakan ng kuryente upang gumana nang maayos, ikaw at ako ay dapat na ihanay ang ating mga sarili sa mga katotohan ng sansinukob, tulad ng paglalarawan sa kanila ng Diyos. 

Sa susunod na may magsabi “Sino ang magsasabi kung sino si Jesus?” maaari tayong tumugon sa simpleng katotohanan na ito: “Kung si Jesus kaya? Paano kung hayaan nating ang mga salitang sinabi Niya ang sumagot sa mga katanungang iyon para sa atin?” Sinagot ni Jesus ang mga katanungang ito sa maraming paraan at sa maraming mga salita at pagkilos. Minsan, tinanong ni Jesus ang Kanyang labindalawang pinakamalalapit na kaibigan kung sino ang pinaniniwalaan nila na Siya. 

Ang buong pag-uusap na ito ay naitala para sa atin sa Ebanghelyo ni Mateo, kabanata 16. Dito, tinanong sila ni Jesus, “Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?” (Vv. 13–15). Alam ng mga alagad na inangkin ni Jesus na siya lamang ang daan patungo sa langit at buhay na walang hanggan (Juan 14:6). Alam din nilang may kapangyarihan si Jesus na gumawa ng mga milagro. At alam nila ang libu-libong mga tao sa kanilang panahon ay nagsisimulang maniwala na si Jesus ay Diyos.

Nakakatuwa na sa partikular na pag-uusap na ito na ginagamit ni Jesus ang pariralang “Anak ng Tao” upang tukuyin ang Kanyang sarili. Ang paggamit ni Jesus sa pamagat na “Anak ng Tao” ay nagbigay-diin na Siya ay ganap na tao. Maaaring parang isang kakaibang bagay iyon para bigyang-diin ng isang normal na tao—Tingnan mo ako, ako ay isang tao. Ngunit kung ikaw ay makapangyarihang Diyos sa langit magpakailanman, at ngayon nasa Planetang Mundo ka bilang isang tao, marahil ay mas malamang na masabi mo, “Tingnan mo ako, ako ay isang tao!” Ito ang paboritong paraan ni Jesus na pagtukoy sa Kanyang Sarili.

Balik sa tanong. Diretsong sumagot ang alagad na si Pedro. Tiningnan niya si Jesus sa mga mata at sinabi, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy” (Matthew 16:16).


Bakit kalangang ang ating paniniwala tungkol kay Jesus ay mabuo sa halimbawang inilarawan ni Jesus? Bakit kailangan nating makuha ang paniniwalang ito tungkol kay Jesus? 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847