Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 4 NG 7

Minamahal

Ngayon titingnan natin ang kahalagahan ng ginawa ng Mesias—Jesus ang Cristo—dahil ang Kanyang mga ikinilos ay nagpapahayag ng pinakadiwa ng pag-ibig. Ibinuwis Niya ang Kanyang buhay upang bayaran ang kasalanan ng mundo—upang bayaran ang kaparusahan para sa iyong at aking kasalanan. Kung kaya't ano ang ibig sabihin kapag sinasabing, “Mahal ako ni Jesus?” Ano ang ibig sabihin ng salitang “mahal” na iyon?

Kusang-loob na inialay ni Jesus ang Kanyang buhay sa krus upang iligtas ka mula sa kasalanan at sa kamatayan. Sa ngayon, isang bagong buhay ang nandiyan para sa iyo sa sandaling maniwala ka sa Kanya at tanggapin ang kaloob Niyang kaligtasan. Ibig sabihin nito maaari kang magkaroon ng:

kapayapaan sa halip na pagkabalisa ang tumutukoy sa iyo,

kalayaan mula sa kahihiyan sa halip na pangongonsensiya ang tumutukoy sa iyo,

kalayaan mula sa kasalanan sa halip na maging bihag ka nito,

isang pagkakakilanlan ng kaganapang espirituwal (kabanalan)

pagkakaampon sa pamilya ng Diyos sa halip na pamumuhay nang mag-isa, 

at katiyakan na ikaw ay minamahal.

Ibig sabihin nito gusto ka ng pinaka-importante sa silid, ang pinakamahalagang buhay sa kalawakan. At ibig sabihin nito na si Jesus—na Siyang Diyos—ay napatunayan ang pag-ibig Niya sa iyo sa pinaka-kamangha-manghang paraang posible: kusang-loob Niyang isinakripisiyo ang Kanyang buhay upang iligtas ka.

Habang pinapagtibay mo ang iyong paniniwala tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa iyo, narito ang isang panalangin upang tulungan kang iangkop ang iyong paniniwala na ipinahayag ni Jesus ang Kanyang pagmamahal sa iyo nang naghirap Siya sa krus.

Mahal kong Jesus,

Pinipili kong tanggapin ang kapatawaran ginawa Ninyong posible noong namatay Kayo sa krus para sa akin. Naniniwala akong pinatunayan Ninyo ang Inyong pag-ibig sa akin noong binayaran Ninyo ang halaga ng aking kaligtasan. Salamat sa pagkuha ng kasalanan at pag-ako dito. Salamat sa pagbibigay ng iyong buhay para di ako mamatay. Salamat sa pagbibigay ng kaloob na kapatawaran, buhay na walang hanggan, at isang tamang relasyon sa Diyos. Jesus, Ikaw ang nagpatunay ng Inyong pag-ibig sa akin sa pamamagitan ng Inyong mga gawa. Tulungan Ninyo akong ipakita ang pagmamahal ko sa Inyo sa pamamagitan ng aking mga gawa. Amen.

Kung kaya, ano ang pinakamalaking sakripisyo na maaaring gawin ng isang tao upang ipahayag ang kanyang pagmamahal para sa iba? Sinagot ni Jesus ang tanong na ito. Ito ang Kanyang sinabi: “'Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan” (Juan 15:13). Noong sinabi ni Jesus ang pahayag na ito, hinula Niya kung ano ang gagawin Niya sa krus: ibibigay ang Kanyang buhay para sa iyo, Kanyang kaibigan.


Pinapatunayan ng pagmamahal ang kanyang sariling mga gawa sa loob ng panahon, at mas masakripisiyo ang isang gawa, mas taos-puso ang pagmamahal na iyon. Paano mo ipapakita sa mga mahal mo sa buhay na iniibig mo sila? 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847