Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 1 NG 7

Bakit Mo Ba Dapat Basahin Ito?

 Sinabi ni Jesus, “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (John 10:10). Naparito si Jesus upang magbigay buhay sa ating mga kaluluwa. Naparito Siya upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa atin para makasama natin ang Diyos sa langit sa pag-alis natin sa mundong ito. Siya ay naparito upang magbigay-buhay sa lahat ng mga naniniwala at tumatanggap sa Kanyang regalo ng kaligtasan.

Saan man tayo naging patay dahil sa ating mga kasalanan, si Jesus ay pumapasok sa ating mundo upang magbigay-buhay sa atin. Lahat ng mga tao—sa lahat ng relihiyon, paniniwala, at karanasan—sa huli ay naghahanap ng relasyon na ibinibigay ni Jesus. Upang tayo ay mailigtas sa kaguluhan ng kasalanan, pinasok ng Diyos ang sangkatauhan.

Bilang mga Cristiano, ito ang Jesus na ating pinapaniwalaan—hindi lamang isang mabuting tao na nagngangalang Jesus o isang ideya na pinangalanang Jesus o kahit na isang gurong nagbibigay inspirasyon na nagngangalang Jesus. Tayo ay naniniwala sa Jesus na Diyos na nagkatawang tao, ang Mesiyas na namatay sa krus para sa kasalanan ng mundo at bumangon muli mula sa kamatayan.

Bagaman naiintindihan ng karamihang mga Cristiano ang katotohanang ito, nais kong matulungan kang sagutin ang tanong, Ano ang pinapaniwalaan ko bilang Cristiano Dahil tayo ay namumuhay sa isang mundo na tinutukoy ang Cristianismo ayon sa kanilang sariling mga opinyon, kailangan nating maintindihan na ang mga mahahalagang paniniwalang Cristiano ay mga katotohanang hindi mababago. Ito ay ang mga tuntunin sa ating pagtanggap sa kapatawaran at buhay galing kay Jesus. Ang mga tuntuning ito ay itinakda ng Diyos, hindi ng mga tao. Hindi mababago ang mga ito at maiintindihan nating lahat ang mga ito.

Sa ilalim ng bawat matibay na pamamahay ay isang nakatagong pundasyon na sumusuporta sa bigat ng buong istraktura. Ang pag-aaral na ito ay naglalatag ng mga paniniwalang pundasyon sa ating pananampalatayang Cristiano. Magkamali ka sa kahit isa sa mga mahahalagang paniniwalang ito at ang iyong pamamahay ng pananampalataya ay lulubog o tuluyang babagsak.

Sa positibong pananaw, ilagay mo ang mga mahahalagang Cristianong aral na ito sa pundasyon ng iyong pananampalataya at makikita mo ang Diyos ang magtatayo ng isang buhay na puno ng katatagan at puno ng pagkamalikhain. Ang Salita ng Diyos ang nagtatakda ng mga mahahalagang katotohanang ito. Ang pag-aaral na ito ay tumutulong tinnan ang pundasyon ng iyong paniniwala bilang Cristiano—upang mamuhay ka na puno ng pananampalataya. Tayo ay lumalago sa pamamagitan ng mga sinasabi ng Diyos sa Kanyang Salita at sa pagsunod dito. Sama-sama nawa tayong umabot sa dulo ng ating panahon na higit pa ang pagmamahal kay Cristo, mas nananalig sa ating paniniwala, at mas pinalakas upang sundin ang ating mabuting Diyos. 


Paano mo sasagutin ang tanong, "Anong pinapaniwalaan ko bilang isang Cristiano?" 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847