Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahal ako ni JesusHalimbawa

Jesus Loves Me

ARAW 6 NG 7

Ito Ang Alam Ko 

Hindi natin makakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng paghihirap o pagiging magaling: “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman" (Mga Taga-Efeso 2: 8-9). Ang pananampalataya kay Jesus ay nagdadala ng kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay na nagdudulot ng ating kaligtasan: "Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya" (Mga Taga-Roma 1:16).

Nagkaroon ka na ba ng isang pangyayari kung saan pinili mong sumampalataya kay Jesus para sa iyong sarili? Ngayon ay tungkol naman sa isang desisyon upang piliin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, Hari, at Mananagip at kung gaano kahalaga na maging sigurado ka sa iyong desisyon. Ang pagtanggap sa Kanyang regalo ay kasing simple ng pagbanggit na si Jesus ay Panginoon at pananampalataya mula sa iyong puso na binuhay Siya ng Diyos mula sa kamatayan.

Narito ang isang panalangin upang ang mga katotohanang ito ay mangyaring mapunta mula sa iyong isip tungo sa iyong puso, mula sa katotohanang nalaman mo tungo sa paniniwalang pinili mo. Hindi isang mahika ang mga salita sa panalanging ito, ngunit ang mga ideya sa mga ito ay naglalaman ng lahat ng kapangyarihan sa kalawakan kung ipananalangin mo ito mula sa pusong mapagpakumbaba at may pananampalataya sa iyong Manlilikha.

Pangioong Jesus,

Ako'y lumalapit sa Iyo, makapangyarihang Diyos, at kinikilalang ako ay nagkulang. Nagkasala at nagkamali ako sa Iyo sa maraming kaparaanan. Jesus, salamat sa Iyong kamatayan sa krus para sa aking mga kasalanan at mga kamalian. Ngayon, kinikilala Kita bilang aking Panginoon at Tagapanguna sa aking buhay. Nagsisisi ako at tumatalikod mula sa aking kapalaluan. Pinanampalatayan Kita mula sa aking puso, at pinipili Kang sundin sa aking buhay. Nais kong tanggapin ang Iyong regalong kaligtasan. Panginoon, tulungan Mo akong mamuhay bilang isa nang bagong nilalang. Ito ang aking panalangin sa Iyong pangalan at nang may paniniwala sa Iyong ginawa, Jesus. Amen.

Sa sandali ng iyong pananampalataya kay Jesus, isang kahima-himalang bagay ang nangyayari sa iyong kaluluwa, sa iyong buhay, at sa iyong kawalang-hanggan. Pinuputol na ng Diyos ang mga tanikala ng kasalanan sa iyo. Lumilikha Siya ng isang lugar para sa iyo sa Kanyang tahanan at itinuturing ka bilang Kanyang pamilya.  Ang Diyos ang iyong Ama, at minamahal ka Niya. Mayroon ka ring isang espirituwal na pamilya ng mga mananampalataya na makakasama mo at hihikayatin ka sa daan patungong langit.


Tinanggap mo na ba ang paanyaya ni Cristo na maging bahagi ng Kanyang pamilya? Markahan na ang araw na ito bilang araw na natiyak mo ito! 

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Jesus Loves Me

Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.

More

Salamat sa Baker Publishing sa paglalaan ng gabay na ito. Para sa ibang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235847