Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa

Family Christmas: A Devotional for Kids

ARAW 12 NG 12

Isinama sa Kaniyang Talaangkanan

Ni Danny Saavedra

“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.” – Juan 1:12 (RTPV05)

Natatandaan mo ba sa kuwento kahapon kung paanong pinili ng Diyos si Maria at Jose na maging mga magulang ni Jesus? Ang lahat ng mga kuwento na ating binabasa nang mga nakaraang araw ay humantong sa pinakamahalagang araw sa kasaysayan: ang pagsilang ni Jesus. Bukas, ipagdiriwang natin ang Kaniyang kaarawan. Sa katunayan, iyan ang kahulugan ng Pasko! 

Sa kabuuan ng mga kuwento ng mga tao at mga pamilya na ating binabasa, nakita natin na tinugon ng Diyos ang Kaniyang mga pangako—at ang pagsilang ni Jesus ay walang ipinagkaiba. Ito ay katugunan sa pangako ng Diyos na ibinigay napakatagal nang panahon. Mahal tayo ng Diyos kaya isinugo Niya ang Kaniyang Anak na isang kaparaanan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang kamangha-manghang pamilya. Nang pinili nating maniwala kay Jesus, agad tayong naging bahagi ng pamilya ng Diyos! Hindi ba't napakaganda nito? Ang kinakailangan lamang nating gawin ay hilingin natin na pumasok si Jesus sa ating mga puso! 

Maglaan ng panahon ngayon na ipagdiwang si Jesus at pasalamatan ang Diyos sa pagsugo sa Kaniyang Anak upang bigyan tayo ng kaparaanan na maging bahagi ng Kaniyang pamilya. Ito ang maganda, ang ating tungkulin bilang bahagi ng pamilya ng Diyos ay hindi nagtatapos dito. Nais ng Diyos na gamitin tayo na sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus upang sila ay maging bahagi rin ng pamilya ng Diyos. Ang pagiging bahagi ng pamilya ng Diyos ay isang kamangha-manghang bagay, at ikaw ay bahagi ng kuwento! Huwag matakot na sabihin sa iba ang tungkol sa kapanganakan ni Jesus at kung paanong ito ay napakahalaga sa iyo. 

Banal na Kasulatan

Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Family Christmas: A Devotional for Kids

Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org