Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa

Family Christmas: A Devotional for Kids

ARAW 10 NG 12

Ang Salita ay Ginawang Nakikita

Ni Danny Saavedra

“Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari . . . Naging kalugud-lugod siya kay Yahweh sapagkat sinundan niya ang halimbawa ng ninuno niyang si David . . .” – 2 Mga Hari 22:1–2 (RTPV05)

Nakabuo ka na ba ng kastilyo mula sa Lego? Makakagawa ka ng halos lahat ng iyong maiisip mula sa Lego, tama? Isipin mo ngayon mismo, kung ikaw ay maging tunay na hari o reyna ng isang kaharian. Diyan magsisimula ang ating kuwento nang ang batang lalaki na nagngangalang Josias, anak ni David, ay naging Hari ng Israel sa edad na walong taong gulang lamang. 

Hindi katulad ng ibang mga hari noong una, mahal ni Josias ang Diyos ng kaniyang buong puso. Ang isa sa mga napansin niya nang siya ay maging hari ay ang templo (katulad ng simbahan) ay gumuguho na, at nais niyang may gawin tungkol dito. Habang ang mga tagapagtayo ay nagsimula sa paggawa sa templo, nakita nila ang isang bagay na nawawala nang napakatagal ng panahon. Ito ay ang Kasulatan ng Biblia! Tinanggal nila ang alikabok dito at sinimulang basahin ito kay Josias. 

Gustong-gusto ni Josias na makinig sa Salita ng Diyos at siya ay lubhang nabago nito kaya ninais niya na ang kaniyang buong kaharian ay sumunod din sa Diyos! Kaya, alam ba ninyo ang ginawa niya pagkatapos? Ipinatigil niya ang lahat ng mga tao na sumasamba sa diyus-diyosan at ginawa ang buong kaharian na bahagi ng Piging ng Paskuwa. Isipin na ang piging ay kagaya ng isang malaking handaan upang ang bawat isa ay magdiwang kung gaano kabuti ang Diyos at kung ano ang Kaniyang ginawa sa buong kasaysayan ng kanilang pamilya. 

Ngayong Pasko, mag-isip ng mga paraan na maibabahagi mo ang Diyos at ang Kaniyang Salita sa iba. 

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Family Christmas: A Devotional for Kids

Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org