Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa

Family Christmas: A Devotional for Kids

ARAW 7 NG 12

Pag-asa sa mga Walang Pag-asa

Ni Danny Saavedra

“Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Rahab ay hindi napahamak na kasama ng mga ayaw pasakop sa Diyos.” – Mga Hebreo 11:31 (NLV)

Kung makita mo ang mansanas, ubas at broccoli sa mesa, alin ang hindi kabilang? Ano ang hindi katulad ng iba? 

Kung tayo ay pipili ng parang hindi nababagay sa pamilya ni Jesus, na hindi mo aakalaing makita sa pampamilyang piging ni Jesus katulad ni Abraham at Isaac, marahil ito ay si Rahab. Subalit iyan ang kamangha-mangha sa pamilya ng Diyos—lahat ay inaanyayahan. 

Sa Biblia, si Rahab ay isang babae na hindi kilala ang Diyos at hindi namuhay para sa Kaniya. Sa katunayan, kahit marami siyang nagawang pagkakamali, hindi nito pinawalang-bisa ang paggamit sa kanya ng Diyos sa malaking paraan. Ginamit Niya si Rahab upang protektahan ang dalawang espiya sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga itong manatili sa kaniyang tahanan. Ang mga espiyang ito ay mabubuting tao; sila ay nasa panig ng Diyos, at sila ay nagsisikap na mapagtagumpayan ang pakikipdigma laban sa Kaniyang kaaway. Walang kabuluhan na isusugal niya ang kaniyang buhay upang protektahan ang dalawang estrangherong ito, subalit narinig niya ang tungkol sa kanilang Diyos at ang kamangha-manghang mga bagay na Kaniyang ginawa at nais niyang makilala Siya para sa kaniyang sarili. Nang magsimula ang digmaan sa kanilang siyudad, siya at ang kaniyang pamilya ay naprotektahan dahil sa pagtulong niya sa mga ito. 

Katulad ni Rahab, kahit na ikaw ay nagkamali noon, mahal ka pa rin ng Diyos! Kung ikaw ay nananalig sa Kaniya, walang anumang kasalanan ang makapagpapabago ng Kaniyang isip sa iyo. 

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Family Christmas: A Devotional for Kids

Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org