Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa

Family Christmas: A Devotional for Kids

ARAW 11 NG 12

Pagtitiwala sa Pangalan

Ni Danny Saavedra

“Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” – Mateo 1:21 (RTPV05)

Sa nakalipas na mga araw, nabasa natin ang ilan sa mga hindi inaasahan at nakakagulat na mga tauhan na pawang bahagi ng pamilya ni Jesus. Mula kay Rahab hanggang kay Josias at ang lahat na nasa pagitan, bagaman ang mga kuwento ay magkakaiba, makikita natin ang isang bagay sa kabuuan ng bawat isa sa kanila: lahat sila ay nagtiwala at naniwala sa Diyos. 

Ang mga tao na pinili ng Diyos na maging mga magulang ni Jesus ay walang pinagkaiba. Si Maria ay isang batang babae na wala pang asawa, at ang kaniyang kasintahan na si Jose ay isang hamak na karpintero. Isang araw, isang anghel ang biglang nagpakita kay Maria at sinabi sa kaniya na siya ay magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin siyang Jesus. Nagulumihanan si Maria. Hindi pa siya kasal kay Jose, paano siyang magkakaanak ngayon? Kahit na waring ito ay isang kahangalan, nagtiwala siya sa Diyos. 

Subalit, huwag nating kalimutan si Jose. Siya ay nasa mahirap na kalagayan nang malaman niya na si Maria ay nagdadalang-tao. Nang mga panahong iyon, ang pagdadalang-tao bago ang kasal ay isang mabigat na krimen, at malaking problema ito para kay Maria. Subalit, katulad ni Maria, si Jose ay nagtiwala kay Jesus! Nang hilingin ng anghel kay Jose na kunin si Maria bilang asawa, siya ay sumunod nang walang pag-aatubili. 

Ano ang gagawin mo kung ang Diyos ay humiling ng isang bagay na mahirap gawin? Gagawin mo ba ito nang may pagkukusa o ipagwawalang-bahala ang Diyos? Sina Maria at Jose ay sumunod sa Diyos, kahit na lubhang mahirap. Pagdating sa pagiging bahagi ng pamilya ni Jesus, ang lahat ay tungkol sa pagtitiwala sa pangalan ni Jesus. 

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Family Christmas: A Devotional for Kids

Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org