Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa

Family Christmas: A Devotional for Kids

ARAW 8 NG 12

Ang Matatag na Anak at ang Nagliligtas na Kamag-anak 

By Danny Saavedra

“Ngunit nagpaiwan si Ruth . . .” – Ruth 1:14 (RTPV05)

Ang kuwento ni Ruth ay nagsimula nang medyo malungkot. Ang asawa ni Naomi at ang kaniyang dalawang anak ay namatay. Sinabi niya sa kaniyang dalawang manugang na bumalik sa kanilang mga magulang. Nais ni Naomi na bumalik sa kaniyang pamilya sa Juda. Ang isa niyang manugang ay sinunod ang kaniyang sinabi, ngunit ang isa na si Ruth ay nais manatili na kasama ni Naomi upang alagaan siya. 

Hindi alam ni Ruth kung ano ang mangyayari, subalit pinili niya na alagaan si Naomi bago isipin ang kaniyang sarili. Hindi kilala ni Ruth ang Diyos bago niya nakilala si Naomi, subalit ngayon ay nais niyang sumunod sa Kaniya katulad ni Naomi. Sinabi ni Ruth, "Nais kong sumama sa iyo Naomi. Mahal kita, at nais ko na alagaan ka. Saanman kayo pumunta, doon ako pupunta. Kung saan kayo tumira, doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang magiging aking Diyos.” 

Upang maalagaan si Naomi, nagtrabaho nang husto si Ruth sa bukirin ng sebada, namumulot ng uhay buong araw. Ang may-ari ng bukirin ay nagngangalang Boaz. Si Boaz ay mabait kay Ruth. Nang marining niya ang kaniyang kuwento, kung papaanong siya ay sumama kay Naomi upang alagaan siya, ito ay naging dahilan upang mahalin niya si Ruth. Di nagtagal si Boaz at si Ruth ay ikinasal. 

Kaya, kahit na ang kuwento ni Ruth ay nagsimula sa malungkot, ito ay nagtapos nang masaya! Ang Diyos ay naglaan at biniyayaan sina Ruth at Naomi dahil sila ay patuloy na sumunod sa Kaniya. Mahal ni Boaz si Ruth at inalagaan siya at si Naomi habambuhay. 

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Family Christmas: A Devotional for Kids

Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org