Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa
Ang Unang Pamilya
Ni Danny Saavedra
“Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae.”—Genesis 1:27 (RTPV05)
Alam mo ba kung sino ang mga unang tao sa mundo? Ito ay sina Adan at Eva! Sila ang unang pamilya na nilikha ng Diyos. Subalit alam mo ba kung bakit sila nilikha ng Diyos? Alam mo ba kung bakit ka nilikha ng Diyos? Siguradong ang katanungang ito ay naisip na nating lahat nang minsan. Ang maganda para sa atin ay ang Biblia ay nagbibigay ng katugunan.
Ikaw ay nilikha upang masabi mo sa iba ang tungkol sa kabutihan ng Diyos at upang malugod ka sa Kaniya habang panahon! Nais ng Diyos na maging bahagi ka ng Kaniyang pamilya at makasama Siya nang walang-hanggan sa langit. Sina Adan at Eva ang mga unang tao na nakakilala sa Diyos at namuhay sa layuning ito.
Pero may nangyari. Si Adan at Eva ay sumuway sa Diyos at nagpasiya na gumawa ng mga bagay sa kanilang paraan sa pamamagitan ng pagkain ng isang prutas mula sa ipinagbabawal na puno. Nagawa mo na bang magtago sa iyong nanay at tatay at mahuli ka na gumagawa ng isang bagay na hindi mo dapat ginagawa? Bueno, iyan ang ginawa nina Adan at Eva. Subalit hindi tumigil ang Diyos sa pagmamahal o pangangalaga sa kanila dahilan lamang na sila ay nakagawa ng pagkakamali.
Alam mo, si Jesus ay naparito para alisin ang ating mga kasalanan at patawarin tayo upang makasama natin Siya sa langit magpakailanaman. Ngayon, dahil kay Jesus, hindi lamang natin nakilala ang Diyos, kundi Siya ay mamumuhay sa atin kung aanyayahan natin Siya sa ating puso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.
More